Habang nakatingin ako sa notebook na nilalagyan ko ng draft ng mga stories na sinusulat ko ay nagulat ako ng bigla na lang tumabi sa akin si Quin.
"Ano ka ba? Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo eh," inis kong sabi.
"Eh ano ba kasi 'yang ginagawa mo bes?" Tanong niya.
Sisilipin niya sana ang notebook ko pero bigla ko nang isinara kaagad.
"Pamysterious naman to eh," sabi niya.
"Wag ka kasing tumitingin hahahah. Censored kasi to," natatawa kong sabi.
"Well may sasabihin kasi ako!" Sabi niya na mukhang exited.
"Ano?"
"May nakita akong pogi kanina!" Sabi niya na parang kinikilig.
"Akala ko naman importante ang sasabihin mo eh marami namang pogi rito sa school natin diba?" Sabi ko.
"Bes hindi! Iba 'to! Mas pogi siya bes! Bago natin siyang classmate." Sabi ni Quin.
"Should I care?" I asked with poker face.
"Bes naman! He's Lander's cousin so it means na sasama siya sa circle of friends natin."
"Ewan ko sayo Quin. Lagi ka na lang naghahanap ng pogi," natatawa kong sabi.
"Ito talagang si Dwayne eh ang bitter," natatawa niyang sabi.
"Alam mo kasi Quin, ang kalandian parang pagkain lang. Pag nasobrahan, nakakalaki ng tiyan."
"Huh? Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong.
"Never mind."
Halos magpigil na lang ako ng tawa ko. Si Quin ang pinaka-slow sa circle of friends namin. She's so dense. Minsan inaasar siya nila Yani at Lander na tanga kaya ako ang nilalapitan niya palagi.
"Matanong lang kita Dwayne, may lovelife ka na ba?" Seryoso niyang tanong.
"Huh? Lovelife? Ano yun Quin? Nakakain ba yun?" Pa-inosente kong tanong.
"Hahahahah bittemelon ka ngayon Dwayne."
Tawa lang ng tawa sa akin si Quin. Paano ba namang hindi ako magiging bitter eh katatapos ko lang mag-move on nitong bakasyon.
"Hi Guys!"
Napatingin kami ni Quin sa pinto at nakatayo doon si Lander. May kasama siya na gwapong lalake.
Mga ilang segundo siguro akong tumitig sa lalakeng kasama ni Lander at tsaka lang nagsink in sa akin kung sino ang kasama niya.
"Shet..." Sabi ko na wala sa sarili.
"Guys! This is Kiel, my cousin. Gusto ko sanang isama siya sa group natin. Don't worry guys. My cousin is kind and sweet just like me," nakangiting sabi ni Lander.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Bakit sa dinami-rami ng school eh dito pa niya kailangang mag-enroll?
Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko at nakaramdam na naman ko ng inis at galit.
"Uy Dwayne? Ok ka lang ba? Para kang nakakita ng multo," sabi ni Quin.
Hindi pa rin ako mapakali. Tinitigan ko ng mabuti ang kasama ni Lander. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga ang lalakeng yun.
Nakatitig lang ako sa kanya at lumapit naman siya sa amin ni Quin.
"Hi! You're Quin right? It's so nice to meet you," sabi niya sabay shake hands kay Quin.
Lumapit naman sa akin ang lalakeng ito at nginitian niya ako. Lalo akong naiinis sa kanya. Bakit ba kasi kailangan ko pa siyang makita?
"Hi! I'm Kiel..." Nakangiti niyang sabi at inaabot niya sa akin ang kamay niya.
I should play fair. Kailangan kong magpanggap sa harap ng letseng lalake na ito.
"I'm Dwayne... Nice to meet you."
Nakipagkamay ako and I gave him a rehearsed smile.
Nakangiti lang sa akin si Kiel na parang walang nangyari. Palibhasa hindi niya alam kung ano ang ginawa niya sa akin.
"Hmmm... Lander bakit ganyan ang ngiti ni Dwayne? Is there something wrong?" Sabi ni Quin.
"I don't know. Actually this is the first time that they meet each other," bulong ni Lander kay Quin.
Inayos ko na ang sarili ko sa harapan nila. This is my chance to take my revenge. He should pay for what he did to me.
Akala niya siguro ay basta na lang siya makakatakas sa ginawa niya sa akin. Alam ko na hindi niya ako natatandaan.
Oras na para singilin ko siya.