Nasa school na naman kami ngayon. Tumatambay na lang kami sa office ng SSG kasi wala nang ginagawa dahil pasahan na lang ng requirements. "Guys! Ano nga pala ang plan niyo for this vacation?" Tanong ni Blake. "Hmmm... We don't know yet. Baka mag-Batanes kami ni kuya," sabi ni Quin. Maya-maya ay napatingin na naman sa akin si Kiel. Ngumiti na lang siya. "Ikaw naman Dwayne? Saan mo gustong magbakasyon? Just tell me where do you want to go," nakangiting sabi ni Kiel. Parang napaurong yata ang dila ko. Paano ko sasagutin ang tanong niya? Magpapagamot ako sa Canada after ng graduation. "Ay! I'm pretty sure na magta-trabaho na naman 'yan si Dwayne this vacation," sabi ni Lander. Nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti na lang at sumabat si Lander. "Oh... I see. Why not work again as my PA/bo

