Nagtatrabaho ako ngayon sa resto. Dapat talaga bumawi ako ng overtime kasi nag-absent ako para kay Kiel. Sabi ni Kiel ay magdi-date raw kami ulit pagkatapos ng shift ko. "Dwayne, may pumasok na customer. Asikasuhin mo," sabi ng co-waiter ko. Lumapit kaagad ako sa lalakeng nakasuot ng hoodie nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Good afternoon po sir. Here's the menu," sabi ko sabay abot ng menu. Tumingin-tingin siya sa menu at medyo matagal din akong nakatayo. Ok lang naman at sanay na ako. Matagal talagang mag-order minsan ang customers. "I don't find it delicious. Parang wala namang masarap dito," sabi niya sa mga pictures ng menu. Malalim ang boses ng lalake naming customer. Bakit kaya naka-hood siya? "Hmmm... Masarap po ang dishes dito sa resto, sir. Baka iba lan

