Masaya naman ako sa naging prom kagabi. Medyo inaantok pa nga ako ngayon eh. Sino ba naman ang hindi magiging masaya diba? Last dance ko si Kiel ahahahah. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yun. Nasa trabaho ako ngayon. Part time job lang naman. Sabado ngayon kaya pwede akong mag-overtime kung gugustuhin ko. Kaunti lang naman ang tao ngayon dito sa resto. Mamahalin kasi ang resto na pinagtatrabahuan ko. Mabait din naman ang mga waiters na kasama ko. Maya-maya ay may lalakeng pumasok sa resto. Lumapit na kaagad ako para batiin ang customer. "Good morning sir..." Sabi ko at binibigay ko sa kanya ang menu. Humarap siya sa akin. Nabigla ako dahil kilala ko pala siya. "Oh hi Dwayne!" Sabi niya. "Hi din po Sir Blake..." Sabi ko. "I don't know that you are already working here..." Sabi niya

