Kiel POV Prom na namin ngayon. Nandito pa ako sa bahay at nag-aayos ako. Medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Maaga pa naman at medyo malapit lang ang venue. Isinuot ko na ang coat ko. Royal blue ang color ng coat ko. Fairytale ang theme namin. Tumingin ako sa salamin at natuwa naman ako sa hitsura ko. I'm so glad... I look like a real prince. Excited na akong maisayaw si Dwayne. Nangako ako sa kanya that he is my first dance. Napangiti na lang ako. Masaya ako at ok na kami ni Dwayne. He forgave me so easy. He's such a pure hearted person. Natutuwa ako sa kanya. Natutulungan niya ako na makalimutan na wala na si Janjan. Bumaba na ako sa sala at nakita ko naman kaagad si dad. "Oh... You're so handsome my son. You exactly look like a real prince. Siguradong marami kang baba

