Nasa school ako ngayon at busy ang lahat sa paghahanda kasi prom na bukas. May event din sa school kaya naka-civilian ang mga students. Masaya ako at naging ok na kami ni Kiel. Masaya ako dahil naging magkaibigan na ulit kami. "Dwayne... I like your tattered pants. Anong tatak niyan?" Tanong ni Quin. "Ay salamat... Guess..." Sabi ko "Jag?" Tanong ni Quin. Hala! Sinabi ko na nga na Guess ang tatak ng tattered pants ko eh! "Guess!" Sabi ko ulit. "Bench? Lee?" Tanong pa niya. Tumingin ako kila Lander, Yani at Kiel. Halatang nagpipigil na sila ng tawa. "Guess!!" Malakas 'kong sabi kay Quin. "RRJ??? Nike???" Malakas niyang tanong. Hindi ko alam kung matatawa ba ako. Napakunot na lang ang noo ko dahil kay Quin. "Ang kulit mo Quin. Guess nga eh!" Naaasar 'kong sabi. "Oh sige na nga s

