Mabuti at nandito si Kiel sa bahay habang may lagnat pa siya kaya naalagaan ko siya ng mabuti. Dito na rin siya natulog sa bahay at medyo magaling na siya. Masaya ako na kasama ko siya kahit magkaibigan lang ang turingan naming dalawa. Habang naghahanda ako ng lunch namin kasama si mama ay nasa lamesa lang si Kiel na nakaupo. Sinalin ko na sa pitsel ang tinimpla ko na lemon juice. Naglakad ako papunta sa lamesa. Parang nahihilo ako... Bigla na lang nanlabo ang paningin ko. Maya-maya ay nabitawan ko ang pitsel kaya natapon ang lemon juice. Narinig ko ang mga yabag ng paa na tumakbo papunta sa akin. "Dwayne... Are you alright?" Rinig 'kong boses ni Kiel. Naramdaman ko na may mga kamay na umaalalay sa akin. Wala akong makita pero may naaaninag akong liwanag. "Anak... Anong nangyayari?

