Dwayne POV Pagkauwi ko galing sa simbahan ay nagbihis na ako kaagad. Ngayon ang araw ng update ko sa mga chapters ng mga sinusulat 'kong stories. Gagawa na rin ako ng mga bagong plot. Binuksan ko na ang bag ko para kunin ang notebook ko. "Teka... Nasaan na 'yun?" Parang wala yata dito sa bag 'yung notebook ko. Nilabas ko lahat ng gamit at wala talaga 'yung notebook. "Takte... Saan ko 'yun naiwan? Walang pwedeng makakita nun!" Baka mamaya makita 'yun ng iba tapos gamitin ang ideas ko sa mga sinusulat 'kong stories. Saan ba ako huling nagsulat? Ay alam ko na! Sa school! Oo tama! Habang may meeting kami ay nagsulat ako ng story sa notebook! Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Tumakbo na ako papunta sa school. Binilisan ko ang pagpunta sa school. Hingal na hingal na ako habang binub

