Chapter 24: Confession

1558 Words
Dwayne POV Nag-ayos na ako ngayon ng sarili 'ko. Birthday na ni Prince. Ngayon 'ko na lang siya makakasama ulit sa birthday niya. Inayos ko na rin yung regalo 'ko. Pinalettering ko pa sa classmate namin yung regalo ko na poem at nilagay 'ko sa frame. Sana ay magustuhan ni Kiel ang regalo 'kong poem sa kanya. Madali ko lang naman natapos ang poem. "Anak may bisita ka." Lumabas na ako kaagad ng kwarto ko. Nakita ko si Lander. "Uy bakit nandito ka Lander?" Tanong ko naman. "Why don't you say good morning rather than asking me why I'm here," inis niyang sabi. "It's so unusual kasi. By the way, good morning," nakangiti 'kong sabi. "Good morning baby... By the way, you look so good," sabi niya. "Thanks..." "Para kang puzzle Dwayne," sabi niya. "Huh? At bakit naman?" "Kasi umaga pa lang binubuo mo na ang araw ko," nakangiti niyang sabi. I just rolled my eyes. Minsan talaga ang corny bumanat ni Lander. "Nandito ako para sunduin ka. Pumunta na kila Kiel sila Yani," sabi niya. "Bakit kailangan mo pa akong sunduin?" Tanong ko. "Hmm... I just want to clear some things," seryoso niyang sabi. Napalunok na lang ako. Seryoso siya sa sinabi niya. Kilala ko si Lander. He is thinking something. "Hmm... Nagluto si mama ng cupcakes. Kain muna tayo," nakangiti 'kong sabi. Pumunta kami ni Lander sa dining area ng bahay namin ni mama. "Anak ang gwapong bata rin ni Lander. Pinsan siya ni Kiel diba?" Tanong ni mama. "Opo..." Walang gana 'kong sagot. Nilagay na ni mama ang red velvet at chocolate fudge na cupcakes. Kumuha naman kaagad si Lander at tinikman niya. "Ang sarap naman po ng cupcakes niyo Tita Josie," sabi ni Lander kay mama. "Ay salamat... Mahilig din kasi sa cupcakes si Dwayne," sabi ni mama. "Ang cute nga po niyan ni Dwayne. Payag po ba kayo na maging manugang niyo ako?" Nagulat ako sa sinabi ni Lander. "Hoy Lander! Para kang ewan! Umayos ka nga!" Inis 'kong sabi. "Oo Lander payag naman ako," tumatawang sabi ni mama. "Pwede ba? Parang wala ako sa harapan niyo ah?" Inis 'kong sabi. "Ang cute mo talaga kapag naiinis ka Dwayne," natatawang sabi ni Lander. Tinitigan 'ko na lang siya ng masama. Parang ewan si Lander. Maya-maya ay natapos na rin kaming kumain ni Lander. Marami siyang nakain na cupcakes. Mukhang nasarapan nga siya. Pumasok na kaming dalawa sa kotse niya. Nagsimula na siyang magdrive. Maya-maya ay nabigla ako dahil hininto niya ang kotse sa kanto na walang tao. "Why did you stop?" Tumingin lang siya sa akin. "I'll r**e you," nakangiti niyang sabi. "I'll kill you," inis 'kong sagot. Tumawa lang siya ng mahina. "I just want to ask you some sort of questions Dwayne. Marami na kasi akong napapansin," sabi niya sabay hinga ng malalim. "Ayoko sanang may nililihim ka sa akin. You already know that you can trust me," dagdag pa niya. Napalunok na lang ako. Lander is a good obeserver. Alam 'kong may napapansin na siyang iba. "Bakit kailangan mong maglihim sa akin?" Seryoso niyang tanong. Huminga na lang ako ng malalim. Kilala ko si Lander. Gusto niya na sa kanya ako palaging nagsasabi. "Ask me everything and I will answer," sabi ko na lang. "Napansin ko na may something kay Quin. Parang may alam siya na hindi namin nalalaman. What is it?" Tanong niya. Napalunok na lang ako. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. "Ok... I will not push you. Let's make it shorter. May napapansin ako... Do you like my cousin?" Seryoso niyang tanong. Nanginig ako bigla sa tanong niya sa akin. Hindi pala ako magaling magtago. Nalaman niya kaagad. "You can't answer that? Last day I saw Kiel kissing you on the rooftop. May relasyon ba kayo?" Lalo akong kinabahan. Hindi ko na alam kung paano pa ako sasagot. "Ba-bakit hindi siya ang tanungin mo?" Kabado 'kong tanong. "Ayokong tanungin siya. Kilala ko kasi siya. Hindi ko maintindihan kung bakit kayo naghalikan," seryoso niyang sabi. Huminga na lang ako ng malalim. Kailangan ko nang sumagot ng maayos. "Yes... I do like him. Yung kiss, hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. Gusto niya na kalimutan na lang namin 'yun," seryoso 'kong sabi. "I knew it... Iba 'yung mga titig mo kay Kiel. Alam ko... Nakatitig din kasi ako sa'yo palagi," seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung ano ang iisipin 'ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang totoong nararamdaman ni Lander. "You know what Dwayne? Iba kasi 'yung nakikita 'ko. You don't like him. You love him right?" Umiwas na lang ako ng tingin. Totoo naman ang mga sinasabi niya sa akin. "Why him? Why not Yani?" Yumuko siya at... "Why not me?" Mahina niyang sabi. "You don't understand," mahina 'kong sabi. "Then make me understand!" Sigaw niya. Napatitig na lang ako kay Lander. He is so sweet pero mukhang naiinis na siya. "Ayoko sanang makalabas kung ano man ang pag-uusapan natin," sabi ko. Tumingin na lang siya sa akin. Kita ko ang sincerety sa mga mata niya. "Siya 'yung lalakeng minahal ko noon. Siya yung dahilan kaya nasaktan ako," seryoso 'kong sabi. Napatitig siya sa akin. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Sinabi ko na ang lahat kay Lander. Sinabi ko na rin na ako si Prince DJ. Sinabi ko ang lahat maliban na lang na ako si Janjan. Feeling ko ay hindi ko pa dapat sabihin kahit kanino na ako ang hinahanap ni Kiel. "Now I fully understand. Thanks for your trust Dwayne," sabi ni Lander. "Thanks for listening Lander. I'm so lucky to have a friend like you," nakangiti 'kong sabi. "Can I hug you Dwayne?" Tumango na lang ako. Niyakap ako ng mahigpit ni Lander. "Gusto ko rin na maging masaya ka. Siguro dapat ay umamin ka na kay Kiel. Medyo dense din kasi yung pinsan ko," sabi niya. "Ayoko munang sabihin sa kanya na ako si Prince DJ. Tingin ko dapat ay hindi na niya malaman," sabi ko. "But you should tell him that you love him," sabi niya. Matapos ang usapan ay pumunta na kaagad kami sa mansion nila Kiel. Marami din naman ang mga classmates namin doon. Masaya akong nakikita na nakangiti si Kiel. Maya-maya ay umalis na rin ang ibang mga bisita. Hapon na rin naman kasi. Naiwan na lang kaming lima na magkakaibigan sa mansion. "Kiel ito nga pala yung gift ko," sabi ko sabay abot ng dala 'ko. "I think we should go," sabi ni Lander. "Huh? But why?" Tanong ni Yani. "Ipapaliwanag ko na lang," sabi ni Lander. Hinatak na niya palayo si Quin at Yani. Siguro ay gusto niyang magkasama muna kami ni Kiel. "Ang weird nila," sabi ni Kiel. "Nasaan nga pala ang daddy mo?" Tanong ko. "Nasa office niya eh. Mamayang gabi pa siya uuwi," sabi ni Kiel. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Ang ganda ng balot mo sa gift," sabi ni Kiel sa akin. Binuksan na niya ang gift. Tumambad sa kanya ang picture frame at nakasulat ang poem na ginawa ko. "You made this for me?" Tanong niya. Tumango na lang ako at ngumiti. Kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Binasa na niya ang sinulat 'kong poem... Fresh Poison By: Dwayne Jansen Roca Your life is full of passion Your look is a perfect seduction Your hair is soft and shiny Your body is so strong like masonry Your skin is so smooth and flawless Your eyes can make me brainless Your smile can take my life Your lies cuts like a knife Your approach to me is so caring Your personality is loving Your breathe is hypnotizing Your scent is so addicting Your embrace can make me panic Your touch is a warm magic Your fire sparks like traggic Your true color is erratic Your love lured me Your perfect face deceived me Your lips brings me in horizon Your kiss is a fresh poison Pagkatapos niyang basahin ang sinulat 'kong poem para sa kanya ay kitang-kita ko na naguguluhan siya. Napatitig na lang siya sa akin. Alam ko na hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang sinulat ko. "Why?" Seryoso niyang tanong. Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ako aamin sa kanya. "Do you love me?" Seryoso niyang tanong. Tumango na lang ako. Ayokong magsinungaling sa kanya. Tama naman kasi si Lander. Kailangan 'kong umamin. "Ok... I know that I'm lucky. Hindi ko inakala na mamahalin mo ako. Pero kasi Dwayne, sana maintindihan mo na hindi kita mahal. Alam mo naman na may mahal akong iba. Alam mo naman na si..." Masakit na... Inunahan ko na siyang magsalita. "Si Janjan? Mahal mo pa rin siya. Hindi naman ako nag-expect na mahalin mo rin ako. I know my limit," seryoso 'kong sabi. Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. "Sorry Dwayne... Ayoko naman kasing paasahin ka." Hindi ko alam kung bakit pero namumuo ang luha sa mga mata ko. "Then why did you kissed me?" Malamig 'kong tanong. "I... I don't know," utal niyang sagot. Napayuko na lang ako. Hindi ko alam na masasaktan pala ako. Hindi ko naisip na umasa rin pala ako kahit konti nung hinalikan niya ako. "Forget everything..." Malamig 'kong sabi. Tumitig ako sa kanya at kita ko pag-aalala sa mukha niya. Tumalikod na ako at naglakad na ako palayo sa kanya. Masakit pa rin pala kahit umamin lang ako. Hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman ko. Kailangan ko nang lumayo sa kanya. Sabi ko na nga ba... Mahuhulog na naman ulit ako. Masakit... Napatulo na lang ang mga luha ko habang naglalakad. Tinanggihan niya ako bilang si Prince DJ at ngayon tinanggihan na naman niya ako bilang si Dwayne pero mahal niya ako bilang Janjan? How stupid Kiel? Feeling ko ay lolokohin ko lang ang sarili ko kapag nagpatuloy pa akong umasa sa kanya. Feeling ko ay parang nagmamakaawa na ako sa kanya na mahalin niya ako kung sabihin ko na ako si Janjan. Para lang akong nanglilimos ng pagmamahal sa kanya. Kahit naman konti ay may dignidad pa ako na pinanghahawakan. Hindi mo ako mahal Kiel? Sige... Hindi mo na rin makikita 'yung Janjan na mahal mo. Hinding-hindi ko sasabihin sa'yo na ako si Janjan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD