Chapter 25: Crying Shoulder

1699 Words
Masakit pala talaga ang katotohanan. Umasa pa rin ako na kahit konti ay may chance na mahalin ako ni Kiel kung sino ako ngayon pero hindi na pala mangyayari 'yun. Bakit kailangan ko pang sabihin na ako si Janjan? Alam ko naman na mamahalin niya ako bilang Janjan pero paano yung ako ngayon? Sana sinabi man lang niya na gusto niya ako kahit konti. Ang sakit sa dibdib... Dalawang beses na niya akong sinaktan. Nakayuko ako habang naglalakad. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko habang naglalakad ako palayo sa mansion nila Kiel. "Babe! Este... Dwayne!" Humarap ako... Nakita ko si Lander at Quin. Kita ko na nabigla sila nang makita nila na umiiyak ako. "Bes... Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Quin. Lumapit silang dalawa sa akin at niyakap nila ako. "He broke me again..." Umiiyak 'kong sabi. Nagkatinginan si Lander at Quin. Hindi na sila nagsalita. Alam ko na alam nila ang ibig 'kong sabihin. "I will talk to my cousin," matalim na sabi ni Lander. Naglakad siya papunta kila Kiel. Kinabahan ako bigla. Hindi pwede... Kilala ko si Lander. Alam ko na sasabihin niya kay Kiel ang lahat ng nalalaman niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Lander. Umiling-iling na lang ako. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "He deserves to know that he broke you before! And now, he is breaking your heart again!" Inis niyang sabi. "It's enough... Hindi na niya kailangang malaman and besides, I have you. Alam ko naman na nandiyan kayo para sa akin diba?" Sabi ko at pinilit 'kong ngumiti. Niyakap na lang ulit ako ng mahigpit ni Lander. "Why not me?" Mahina niyang sabi. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ngayon malinaw na rin sa akin kung bakit siya mabait sa akin ng sobra. Kumalas ka lang ako sa pagkakayakap niya. Pinunasan ko ang mga luha ko. "I'm stronger now," mariin 'kong sabi. "Sorry to interrupt your drama. Kapag nalaman ni kuya ang yakapan niyo, lagot kayong dalawa," natatawang sabi ni Quin. "And so?" Inis na tanong ni Lander. "Ay oo nga pala... Baka magtampo si Yani sa akin. Hindi pa niya alam ang lahat," sabi ko. "Don't worry bes, ako na ang bahalang magsabi kay kuya. I'm pretty sure that he will understand," sabi ni Quin. "I can imagine tuloy kung ano ang hitsura ni kuya kapag sinabi ko," natatawa niyang sabi. "Nasaan ba kasi si Yani?" Tanong ni Lander. "Ay siya ang sinama ni mommy sa business meeting. Dumaan lang talaga siya dito kasi birthday ni Kiel." "Thank you talaga sa inyo. Nandiyan kayo palagi para sa akin," nakangiti 'kong sabi sa kanila. "You're always welcome Dwayne," nakangiti nilang sabi. "Ay bes, can I ask a favor?" Nakangiting tanong ni Quin. "What is it?" "Hmm... Pwede bang tumambay sa house niyo? Iinggitin ko si kuya hahahah," sabi niya. Ngumiti na lang din ako. "Sure!" Sumakay na kami sa kotse at pumunta kaming tatlo sa bahay. "Hi mama! Nandito po mga friends ko," nakangiti 'kong bati. "Ay sakto anak! Nag-bake ako ng cupcakes." Nasa sala lang sila Quin. Pumunta muna ako sa kusina para tulungan si mama. Negosyo rin kasi ni mama ang pagbebenta ng cupcakes. Nagluto rin ako ng kamote cue para kila Quin. Pumunta na ako sa sala at tinikman na nila Quin ang cupcakes. "Grabe Tita Josie ang sarap po talaga ng cupcakes niyo," sabi ni Lander. "Ay salamat iho... Ang gwapo mo talagang bata," sabi ni mama. "Para namang hindi ka kumain ng cupcakes kanina Lander," natatawa 'kong sabi. "Ay Tita Josie kailan po ba kami pwedeng ikasal ni Dwayne?" Tanong ni Lander. Nagulat ako... Tumalim ang titig ko sa kanya at natatawa lang siya. "Ay iho... Kapag nakagraduate na si Dwayne pwede na kayo magpakasal," sabi naman ni mama. "Mama para kang ewan!" Inis 'kong sabi. Tinatawanan lang nila ako ni Lander. Dati ganyan din siya kay Yani tapos kay Kiel ganyan din si mama. Ngayon si Lander naman. Nakakaasar din minsan si mama. Napansin ko si Quin na tahimik lang at kumakain siya ng kamote cue. "Uy Quin ang tahimik mo," sabi ko. "Ay nag-enjoy ako sa kamote cue. Ang sarap pala nito Dwayne," sabi ni Quin. "Ay favorite din 'yan ng kuya mo," sabi ni mama. "Really? Favorite ni kuya ang kamote cue tita?" Tanong ni Quin. "Oo iha... Pumunta na kasi dati si Yani dito. Medyo matagal na 'yun eh," sabi ni mama. "Ano naman ang ginawa ni Yani dito?" Tanong sa akin ni Lander. "Secret... Hahahah secret naming dalawa 'yun. Tanungin mo na lang siya," natatawa kong sabi. "Ah ganun? Ok fine..." Walang gana niyang sabi. "Ito naman tampo kaagad," natatawa 'kong sabi. Maya-maya ay tumayo si Lander. Lumapit siya kay mama at may binulong siya. "Uy anong pinag-usapan niyo?" Inis 'kong tanong. "Anak tapos na sila kumain. Maghugas ka muna ng mga pinggan," sabi ni mama. Tinitigan ko si mama. Nakangiti lang siya. Ano kaya ang binulong ni Lander. Pumunta na ako sa kusina para hugasan ang mga pinggan. Nakatalikod lang ako sa kanila at parang ang tahimik lang nila. Narinig ko na parang natatawa sila Lander at Quin pero mahina lang. Hindi ko na lang sila pinansin. Baka nagkakatuwaan lang sila. Maya-maya ay... "Oh gosh so cute!" Sigaw ni Quin. "Sssshhh!" Sabi naman ni Lander. Lalo tuloy akong na-curious. Ano kaya ang ginagawa nila? Binilisan ko na lang ang paghuhugas ng mga pinggan. Nagmadali akong pumunta sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko dahil nilabas ni mama ang mga photo albums nung bata pa ako. Nakatitig lang sila Quin sa mga pictures ko nung bata pa ako. "Oh gosh Dwayne! You're so cute!" Sabi ni Quin. Napanganga na lang ako. Mabuti na lang at wala dito si Kiel dahil malamang ay nabisto na niya na ako si Janjan. "Ang saya niyo ah..." Sabi ko na lang. Kaya pala pinahugas ako ni mama kasi sinabi ni Lander na titignan nila ang mga pictures ko. Mautak talaga si Lander. "Ano Dwayne? Sabi ko sa'yo makikita ko rin ang mga laman nitong album mo," natatawang sabi ni Lander. Huminga na lang ako ng malalim. Wala na akong magagawa. Nagulat ako at kinuha ni Quin yung pic ko nung baby pa ako. "Ang cute nito... I will set this as souvenier," sabi ni Quin. Itatago na sana niya sa bag yung baby picture ko pero pinigil ko siya. "Uy 'wag Quin," sabi ko. "Hayaan mo na Dwayne. Pinayagan ko sila na mag-uwi ng pictures mo," natatawang sabi ni mama. Kinuha ni Quin yung pic ko at siniksik niya sa loob ng blouse niya. "Oh ano bes? Kaya mo bang kunin?" Natatawa niyang sabi. "Ang cute mo dito Dwayne," sabi ni Lander. Tumingin ako sa kanya at nakita ko yung pic ko nung bata pa ako na kumakain ng fries. "Hindi mo 'yan mauuwi," matalim 'kong sabi. Tumakbo ako papunta kay Lander. Bigla niyang nilagay sa loob ng pants niya ang picture ko. "Go Dwayne! Kunin mo yung picture mo sa loob ng pants ko," natatawa niyang sabi. Napakamot ka lang ako sa ulo ko. Mabuti na lang at wala si Yani. Sure ako na ganun din ang gagawin niya. Tinatawanan na lang nila ako. Si mama din parang ewan. Kamping-kampi siya kila Lander jusko! Nagbuklat na lang si Lander ng pictures ko at umupo na lang ako sa tabi niya. Kinuha niya ang isang picture sa photo album at tinitigan niya ng mabuti. Nagtaka ako kaya lumapit ako para tignan kung ano 'yun. "Hindi ako pwedeng magkamali. It's Kiel right?" Tinitigan ko ang pic. Kaming dalawa 'yun ni Kiel nung mga bata pa kami. Napalunok na lang ako. Pinsan niya si Kiel kaya for sure ay kilala niya si  Kiel nung bata pa. Tumitig sa akin si Lander. Alam ko na malalaman na niya kaagad. "Bakit may picture kayong dalawa ni Kiel?" Tanong niya. "Oh gosh patingin!" Biglang hinablot ni Quin yung picture at tinitigan niya. "Ang cute niyo noon," sabi niya. Nagulat ako at napatakip na lang si Lander sa bibig niya. Kinabahan na ako... Mukhang may alam nga siya. Mukhang sinasabi sa kanya ni Kiel ang nakaraan. "Could it be? Ikaw si Janjan na hinahanap ng pinsan ko?" Gulat na sabi ni Lander. Hindi ako sumagot. Napatahimik na lang ako. Nagtataka naman si Quin. "Ikaw nga... Now I fully understand everything," sabi ni Lander. Tumahimik na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. "Why don't you tell him the truth?" Tanong niya. Tumitig na lang ako kay Lander. Alam ko na nagtataka siya. Alam ko na marami siyang katanungan. "He doesn't deserve to know after what he did to me as Prince DJ and as what I am now," seryoso 'kong sabi. "But he is finding his first love, Janjan," seryosong sabi ni Lander. "Hahahahah... Let him figure it out on his own strategy. Matagal ko nang alam na siya ang kababata ko. I know that someday, he will know the truth. Kung sinabi niya lang sana na mahal niya ako, sasabihin ko rin sa kanya na ako si Janjan kaso hindi eh. Non sense kung sasabihin ko pa. Para ano? Para manglimos ako ng pagmamahal niya? May pride pa rin ako kahit papaano," naluluha 'kong sabi. Tumitig na lang sa akin si Lander. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "Hindi ka mahirap mahalin Dwayne. Someday, mamahalin ka rin niya," seryosong sabi ni Lander. Umiwas na lang ako ng tingin. Ayoko nang umasa ulit kay Kiel. "Ang drama niyo," natatawang sabi ni mama. Tumawa na lang din ako ng pilit. It's not a joke. Alam ko na sobrang sakit na ng pagpapaasa na ginawa ni Kiel sa akin dati. Hindi ko alam na aasa ulit ako. Ako lang 'yung gumawa ng dahilan para masaktan ako ulit. Bakit pa niya kasi ako hinalikan nang wala naman palang dahilan? Why do I let myself fall to him again? OOO Note: Happy birthday to me, Happy birthday to me... Happy birthday, Happy birthday... Happy birthday to me... Hahahahah it's my birthday. It's official... 17 years old na si author. Magandang birthday gift na sa akin ang votes at comments niyo pati na rin ang pagsuporta niyo sa story na ito. Thank you po sa lahat. Malaking bagay na sa akin 'yung sinusuportahan niyo ako. Right now we are facing serious financial problem. Pasensya na dahil every 4 days ang update kasi wala na kaming net. Ok lang kahit wala akong handa basta sinusuportahan niyo ako. Ang wish ko lang ngayong birthday ko ay sana makapag-aral ako at sana makauwi na si papa ko. Sana rin maging ok na ang lahat. By the way, I published one shot story which is entitled 'Tainted Love'. I hope that you will read it too. Salamat po sa walang sawang pagbabasa at paghihintay. Isa ang pagiging writer ko sa rason kaya pinipilit 'kong maging matatag kahit 'di ko na rin kaya. Salamat sa inyong lahat. Sensya na ang drama ni author Iris niyo. Lovelots...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD