CHAPTER 1

2215 Words
PROLOGUE: "P-please, Mahal, gising p-please, m-mahal." hagulgol na iyak ni Rolando na halos lumuhod na ng nakita niya ang kaniyang asawang nakaratay at wala ng buhay sa kama, "Sorry sir, she didn't survive, b-but the baby is healthy." sambit ng isang nurse habang buhat buhat ang bata na isinilang ni Zayrah. "H-hindi! Humihinga pa siya! GAWAN NIYO NG PARAAN!" pagdadabog ni Rolando habang hawak nito ang kanang kamay ng kaniyang pinakamamahal na kasintahan, "Sir, kumalma po kayo." pigil sa kaniya ng ibang nurse at guard habang nagwawala. "IBALIK NIYO SIYA!" padabog pa nito at tumingin sa bata na may galit, agad namang nilayo ng nurse ang bata sa kaniya pagkatapos nitong sugurin ang anak niya. "S-sir, maawa po kayo sa anak niyo." sambit ng isang nurse na may hawak sa bata, "IBALIK NIYO ANG ASAWA KO!" pagwawala pa nito habang nanlilisik ang mata sa sanggol na si Zeyra. Nilayo muna ang sanggol sa kaniyang ama dahil sa pagwawala nito. Hindi matanggap ng ama na nabuhay ang bata at hindi ang asawa niya, sa sobrang pagmamahal niya sa asawa niya ay hindi niya nakikita ang sanggol na isinilang ng mahal niyang asawa. Dito magsisimula ang buhay ng nagngangalang Zeyra. CHAPTER 1... Narinig kong nag alarm na ang clock sa gilid ng kama ko kaya agad akong humikab at pinatay ang nasa gilid kong clock. Alas siyete na at ang time ng work ko ay alas otso ng umaga, tumayo na ako para pumunta sa C.r at maligo. Nakatira lang ako sa Apartment at maliit lang ang sakop nito ngunit kasiya naman ako. Ang tirahan ko ay maliit lang at nandito na lahat, ang kama, C.r, at lababo, makalat ang kwarto ko dahil wala akong time linisin ito, magisa nalang ako sa buhay at busy sa work ko kaya hindi ako makapaglinis dahil araw araw akong puyat sa paggawa ng mga papeles. Kailangan kong masanay mabuhay magisa, hindi naman talaga ako magisa dahil nandiyan naman sila ninang na pamilya ko, ayoko lang talagang umasa na sa kanila dahil malaki narin ako. My Mother died because of me. Isinilang ako kapalit ang buhay ni mama dahil hindi kinaya ni mama ang pagpapaanak sakin kaya laking galit ng papa ko sakin noon. Ang papa ko naman ay namatay sa isang Car accident, lasing siya no'n nang nagmamaneho, simula ng namatay si mama ang sabi sakin ng ninang ko lagi daw si papa naglalasing no'n at muntik niya na daw ako saktan no'ng bata palang ako kaya lagi akong nasa ninang ko no'n. Isa akong malaking pagkakamali kahit sa pagkamatay ni mama.Laking galit ko sa sarili ko bakit pa ako isinilang. Tanging ninang ko ang bumuhay sakin, nasa edad ako ng sampung taong gulang ng namatay si papa. Laging pinapakita sakin ni papa ang galit niya sa tuwing umuuwi siyang lasing. Naiintindihan ko naman kung hindi niya ako kayang mahalin pero kahit ganon mahal na mahal ko si papa. "Ikaw bata ka, dahil sa'yo nasira ang buhay ko." "Ba't ko pa kasi pinangarap na magkaanak kung buhay ng asawa ko ang kapalit." "Wala kang kwenta." Ilan lamang sa masasakit na salita ang natanggap ko at habang lumalaki ako paulit ulit niya iyon sinasabi kaya tumatak narin sa isip ko. Sa tuwing hindi naman siya lasing ay hindi niya ako pinapansin, nagwowork si papa no'n at minsan na siyang nag uwi ng babae sa bahay dahil sa kalasingan. Ang sabi niya mahal na mahal niya si mama ngunit nagtataksil siya. May kaya naman kami dati dahil si papa ay isang architect kaya malaki ang sinasahod niya. Hindi niya naman ako sinasaktan ng pisikal ngunit masakit lagi ang sinasabi niya sakin at lagi niyang pinapaalala na sana 'di nalang ako nabuhay. Kahit ako ayoko na rin mabuhay. Nang natapos na akong maligo, paglabas ko ng C.r ay kitang kita talaga ang kalat sa kwarto ko. Agad naman akong tumungo sa maliit na fridge at nakita kong wala na itong laman. Kaya nagligpit nalang ako ng kwarto at habang naglilinis ako ay pinunasan ko ang frame ni mama at papa na nasa tabi lamang ng kama ko, ito ay no'ng kasal nila. Ang ganda ni mama nalulungkot ako na hindi ko man lang siya nakasama, "Mama, sorry ma, kung nasira ko ang pinapangarap niyong buhay ni papa." saad ko at pinipigilang umiyak. Ang iyakin ko talaga. 7:00 a.m na pala at babyahe pa ako, agad kong tinignan ang wallet ko at nakita kong 250 pesos nalang ang laman. Kailangan kong maglakad para makatipid. Ang hirap ng buhay mag isa. hindi naman ako gustong umalis ni ninang sa kanila ngunit nahihiya narin naman ako kaya mas pinili ko ang buhay na'to dahil siya na ang nagpaaral sakin, nakakahiya naman kung do'n ako lagi mamamalagi at aasa. Sa tuwing sumisweldo ako ay lagi akong pumupunta do'n para bumisita at nagbobonding kami. Si ninang Milda ang nagpalaki at nagmahal sakin kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil ni isang araw at 'di niya pinaramdam na wala akong kwenta kahit hindi kami magkadugo ay pinaramdam niya saakin ang pagmamahal na parang isang pamilya. Si papa naiintindihan ko siya kahit ako nagagalit din ako sa sarili ko. Si ninang Milda tinuturing ko na siyang mama bata palang ako, lagi ko siyang tinatawag na mama noong bata pa ako dahil gusto ko maranasan magkaroon ng mama. Lagi rin siya ang kumukuha sakin pag lasing si papa dahil katabi lang ng bahay namin ang bahay nila, inshort kapitbahay namin sila. Si ninang Milda ay hindi na nagkakaanak dahil may problema siya sa matres kaya ang saya niya na inaalagaan ako sabi niya sakin no'ng bata ako. Maaga ring namatay ang kasintahan niya kaya ang tanging kasama niya nalang ay ang kaniyang bunsong kapatid na lalaki na siguro ay kasing edad ko lang. Kaya masaya akong hindi siya nagiisa. Agad naman akong nagtungo sa salamin at tinignan ang sarili ko. Hindi talaga ako maganda kahit saang angulo. may buhaghag na buhok na hanggang balikat kaya lagi ko itong tinatali. May matabang mukha at medyo may katabaan rin ako kahit unting kain ko lang kasi ay lumolobo agad ako. Hindi ako kamukha ni mama o ni papa. Wala akong nakuha maliban sa matangos na ilong. Kaya naalala ko lagi akong tinutukso dahil sa katabaan ko nung bata. Minsan mas pinipili kong hindi kumain at naglalakad dahil para sakin rin naman iyon pero sabi ni ninang ang ganda ko daw 'wag daw akong magpapadala sa sasabihin ng iba. Ang malas talaga ng buhay ko pero minsan nang nagpakita si mama sakin sa panaginip na kahit anong mangyare 'wag daw akong susuko. Naiyak ako noong araw na iyon dahil nakita ko si mama kahit sa panaginip lang. 7:37 na pala 'di ko napansin at maglalakad pa ako. Agad kong binilisan at lumabas. Nilock ko na rin ang pinto at naglakad pababa dahil nasa pangalawang palapag lang ang kwarto ko. Narinig ko naman ang kapit bahay sa kabilang kwarto na nag aaway ngunig sanay ako do'n. Nakapag tapos ako sa tulong ni ninang at nakapaghanap ako ng trabaho sa office at isa akong civil servant, nagaayos ako ng mga papel sa opisina nakaka busy rin iyon. Malapit naman na ang sweldo kaya masaya ako dahil 'di narin kasiya ang 250 pesos ko sa wallet at makakasama ko ulit sila ninang. Malayo layo ang opisina dito sa Manila kung nasaan ako, masaya ring maglakad pag pupunta ng trabaho, na eexercise ako kahit papaano pero mabilis akong hingalin dahil sa katawan ko. Sumakay ako sa jeep ng isang sakay para makatipid dahil dalawang sakay sana ng jeep bago makapunta sa building ngunit nilakad ko nalang dahil mabilis naman ako maglakad. 7:56 na at traffic pa lagot na naman ako. Dapat pala mas agahan ko pa alarm ko kung alam ko lang na traffic ngayon. Hindi talaga maganda ang amoy ng sasakyan, nakakasuka ito, natingin sakin ang bata sa jeep na may kasamang nanay at agad kong nginitian dahil unti lang naman ang sakay nito at mapupuno pa ito mamaya. Agad naman nagtago ang bata sa nanay niya. hays nakakatakot ba ako?. Umandar na ang jeep at maayos na ang daloy ng sasakyan sa kalsada. Hindi naman ako ganon kataba saka maayos naman ang mukha ko sadyang nabababad lang ako sa araw kaya ang kulay ko ay morena, Tumingin nalang ako sa gilid ng sasakyan at hindi ko mapigilang umiyak buti nalang at nandito na ang jeep malapit sa gusali kung saan ako nagtatrabaho, "Para po." saad ko at bumaba. 8:15 na at agad akong tumakbo papasok sa office sa may ikalimang palapag ang office ko. Balak ko sanang mag elevator pero dahil nagmamadali na ako ay naglakad nalang ako sa hagdanan dahil kung mageelavator pa ako baka masayang lang ang oras ko kakahintay. "OH ZEYRA PUMASOK KAPA?" saad ng masungit naming ma'am ng pagkapasok ko sa office at agad naman akong napayuko habang hinihingal "Sorry po traffic." saad ko. "ABA, DAPAT NGA MAS MAAGA PA ANG PUNTA DITO, TIGNAN MO SILA MAAGA SILA IKAW LANG LAGING NAHUHULI, ABA KUNG GANIYAN KA MAGTRABAHO PAANO KA AASENSO!" saad niya ng may inis at agad namang nagtinginan ang mga katrabaho ko. Minsan lang naman ako malate bakit mali agad napapansin niyo. "S-sorry po ma'am Olivia." saad ko habang nakayuko dahil nakakahiya. Si ma'am Olivia ang Manager dito kaya mataas talaga ang role niya kaysa samin at may tama naman siya, kasalanan ko talaga. "ANONG TINITINGIN TINGIN NIYO? BACK TO WORK!" saad niya dahil nakatingin saamin ang mga katrabaho ko. Agad naman niya akong tinarayan at umalis. Maganda si ma'am Olivia at may magandang pangangatawan dahil bata pa naman ito nasa edad palang siya ng 27 years old kaso ubod siya ng sungit at nangpapahiya. Lagi kasi siyang hinihiwalayan ng mga naging boyfriend niya. Sa totoo lang ay wala naman akong pakealam sa buhay niya pero dahil sa chismisan na naririnig ko sa opisina kaya alam ko ang bagay na iyon. Agad naman akong nagtungo sa pwesto ko at tinarayan ako ng katabi ko. "Papansin ka, galit na naman tuloy siya," mataray niyang sambit at hindi ko nalang iyong pinansin. Ito si Claire isa sa katrabaho ko unang pasok ko palang dito lagi na siyang naiinis sakin wala naman akong ginagawa. Maganda ito, maputi ang balat at may magandang buhok, mukha at mas matangkad siya sakin dahil ang height ko ay 5'5, ang kaniya naman ay 5'7. Halos perpekto na siya sa katawan at mukha pero parang parehas 'din sila ni Olivia 'masungit'. Nagsimula na akong magtrabaho at nakaramdam ako ng gutom dahil 'di ako nag almusal, 'di ko nalang pinansin ang gutom na naearamdaman ko kaya nagsimula na akong magtrabaho. Ako pala si Zeyra Calypso. Yeah, sabi ni ninang si mama daw ang nagpangalan sakin niyan dahil si mama ay Zayrah kaya gusto daw ni mama pag babae ang anak ay Zeyra. 22 years old na ako at kung lovelife ang paguusapan wala akong balak diyan lalo na at wala silang interes sakin. Lumipas na ang oras ng pagtatrabaho at humikab ako sa antok at pagod ko dahil alas dose kaya ako nakatulog kagabi kaya nakakapuyat. "Hoy, gawin mo daw 'to sabi ni ma'am." saad ni Claire sa tabi ko hawak ang may pagka makapal na papel at inaabot saken, nakapamewang si Claire habang nakatayo. Alam kong hindi iyong inutos ni ma'am pero kinuha ko nalang para wala nang g**o. Lagi namang ganito si Claire kaya mas napupuyat ako at nag oovertime dahil sa ganito pero ano pabang magagawa ko?. 11:00 am na pala at ito ang oras ng lunch break namin, sobrang gutom na ako as in pero kailangan ko pang pagkasiyahin ang pera ko dahil dalawang araw nalang naman ay payday na kaya kailangan kong mag tiis ng kaunti. Napagisip isip ko na tatapusin ko nalang muna ang binigay ni Claire sakin para kahit papano at hindi ko maisip na magutom. Hindi ko talaga kayang hindi kumain kaya agad akong bumaba at pumunta sa harap ng gusali namin dahil may bakery doon. "Ate magkano po monay?" saad ko sa tindera. " kinse pesos ineng" saad niya at kinuha ko wallet ko "Isa pong monay at isang coke" saad ko at agad naman niyang binigay iyon. Sa taas na ako kakain habang nagwowork kaya umakyat na agad ako. Nandito na ako sa taas at umupo para kumain. Nakita naman ako ni Claire at tumingin sa kinakain ko "Yuck, what's that?" Natatawang saad niya at hindi ko siya pinansin, kumagat na ako sa tinapay. Nakita ko ang iba na kumakain ng jollibee at iba pa. "Guys,tignan niyo si Zeyra," saad ni Claire at agad naman silang tumingin saken at ang iba ay natatawa. "Ang cheap." saad pa ni Claire at tumawa. Agad naman akong nagtungo sa C.r at dinala ang pagkain ko. Lahat sila hinuhusgahan ako. 'Di ko mapigilang umiyak habang kumakain sa c.r, Ano bang problema nila?. Gusto ko lang namang kumain. Hindi ko talaga mapigilang umiyak. Nawala na gutom ko at nawalan ng gana pero inubos ko ito para naman may laman tiyan ko habang nagtatrabaho. Kapos ang pera ko dahil nagbayad ako ng kuryente at tubig kaya mas lalo akong nagtitipid at nagbayad pa ako sa apartment ko. "Okey lang 'yan Zeyra, 'di kalang nila naiintindihan." bulong ko sa sarili ko at tinapon na sa basurahan ang kalat ko at lumabas na ng c.r.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD