CHAPTER 2

1768 Words
Natapos na ang trabaho ko at nag overtime ako para mas malaki ang makukuha kong sweldo. Alas dose na naman ako nakauwi at nananakit narin ang ulo ko. Naglalakad palang ako ng maisipan kong pumunta muna sa malapit na grocery, open naman na sila dahil alas dose na. Sa ganitong buhay lang umiikot ang araw araw ko. Tumingin ako sa cellphone ko at nakita ko ang Chat ni Lenard na kapatid ni ninang. Naglakad na ako papunta sa malapit na grocery para bumili ng pagkain ko, napapansin kong napapabayaan ko na sarili ko. Text: Lenard: Kailan daw punta mo dito? pinapatanong ni ate. Zeyra: Sa susunod na araw pa. Lenard: /seen/ Hindi naman kami gano'n kaclose ni Lenard at kahit ako ay naiilang sa kaniya. Si ninang ay matagal nang kapitbahay namin kaya naging ninang ko siya dahil siya ang nando'n nang bininyagan ako at siya lang din ang nag asikaso sakin dahil wala namang pakialam si papa no'n. Nagsama lang sila ni Lenard noong nakaraang taon bago ako umalis kay ninang dahil lumaki si Lenard sa bahay ng isa niyang ate. Magandang lalaki si Lenard at magkahawig sila ni ninang, may matangos siyang ilong at malaki ang katawan kaya marami siyang naging girlfriend, masasabi kong may pagka playboy siya. Magandang babae rin si ninang at nasa mga edad 34 years old na habang si Lenard ay 23 years old palang. May kaya sila ninang at siya ang may ari ng isang dress shop dahil magaling si ninang sa paggawa at pagtatahi ng mga damit. Naalala ko noong bata ako lagi siya ang nagtatahi ng magaganda kong damit. Nandito na ako sa grocery at kumuha ng mga can foods at noodles dahil ito nalang ang kaya ng budget ko sa ngayon. Sa totoo lang ayokong sabihin kay ninang ang kalagayan ko kahit lagi niyang sinasabi na pag kailangan ko ng tulong ay lumapit lang sa kaniya. Nahihiya na ako ng sobra sobra. Pumunta na ako sa cashier area "134 pesos po lahat ma'am." saad ng cashier at kinuha ang pera ko sa wallet. Kasiya pa ang pera ko at naglakad na ako palabas pagkatapos magbayad dahil sobrang gutom ko. Tanging tubig lang ang ininom ko kanina panakip gutom. Nananakit narin ang likod ko sa sobrang kakatrabaho. Habang naglalakad ako pauwi ay may nakasalubong akong mga babae na naggagandahan. Agad naman silang tumingin sakin at nagbulungan ang tatlo. "Buti nalang 'di ako ganiyan kataba." saad ng isa sa katabi niya at nagbulungan pa, agad naman akong umiwas ng tingin at binilisan ko pa ang paglalakad. Mahina lang iyon pero narinig ko, Nalampasan na nila ako at tuloy tuloy nang naglakad. Naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa mga pisngi ko, ano ba Zeyra iiyak ka na naman?. Hindi ko naman kasalanan na hindi ako tulad niyo na maganda. Nakapants ako at naka uniform ng office. Masikip narin ang Uniform ko siguro nga baka lumobo na ako ng sobra. Nakauwi na ako at hindi na inisip pang kumain, humiga na agad ako sa kama sa sobrang pagod at antok. Walang araw na naging masaya ako haha. Nakatulog na ako at alam ko na pagising ko bukas ay gano'n parin ang mangyayare dahil dito nalang siguro umiikot ang buhay ko. Lumipas na ang araw at payday na kaya masaya ako dahil makakabisita na ako kila ninang. Nakuha ko na ng doble ang pera ko dahil sa sikap ko mag Overtime at binigyan na kami. Hindi ako papasok ngayon at pinaalam ko na iyon dahil pupunta ako kila ninang. Pumunta ako sa Mall para maghanap ng Cake at sinabi ko narin kay Lenard na pupunta ako do'n. Naka pants ako at naka t- shirt na lagi ko namang suotan. Malaki ang Mall na 'to na lagi kong pinupuntahan sa tuwing sumisweldo ako dahil dito ako nabili nang pagkain pag napunta ako kila ninang. Ang lamig dito parang nakalaya ako panandalian. May fountain sa labas kaya napakaganda at perfect itong pasyalan. May kalayuan 'to sa apartment ko dahil byumahe pa ako para lang makarating dito pero malapit lang ito kila ninang. Ang tinutuluyan kong apartment ay malayo kila ninang kaya hindi rin ako madalas pumunta do'n, minsan nga ay isang beses lang ako makakapunta sa isang buwan. Nandito ako sa loob ng mall at maraming tao ngayon dahil linggo. 9:00 am palang kaya marami narin ang tao. Agad akong nagtungo sa coffee shop kung saan maraming masasarap na Cake. Naglakad na ako papunta do'n at pumasok na dahil gusto ko na makita sila ninang ay nagmadali na akong pumasok ng may nabangga ako. Nanlaki ang mata ko ng hindi ko sinasadyang matapon ang hawak niyang kape. Nakayuko ako at napatingin sa nahulog na kape. "S-sorry." saad ko at dahan dahang umatras dahil napalakas ata ang bangga ko. Nakita ko siya at isang lalaki ang nabangga ko. Bumilis ang t***k ng puso ko nang nakita ko siya. Ang gwapo at ang tangkad, maputi siya at mukhang mayaman, nakatingin ito sakin mapula ang labi may malaki rin siyang pangangatawan, May pagka singkit siya at may camera na nakasabit sa kaniyan, mukhang kumukuha siya ng mga litrato. Mapapansin mo rin ang bagsak niyang buhok na nagtatakip sa kilay niya pero hindi dapat iyan ang iniisip mo ngayon Zeyra. "S-sorry, papalitan ko nalang," saad ko at napayuko. Sa tuwing nagkakamali ako ay hindi ko maiwasang yumuko sa hiya. "P-papalitan ko nalang." saad ko pa ngunit wala akong natanggap na sagot. Lumapit siya sa akin at tumingin ako sa kaniya ang gwapo talaga, siya na ata pinakagwapong nakita ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Akala ko ay lumapit siya ngunit naglakad lang siya papalayo at nilampasan lang ako nito. Napatulala ako dahil 'di man lang siya nagsalita o wala man lang siyang sinabi at nakapamulsa lang siyang umalis. Nakahoodie siya na grey na may hawak na libro at camera, kahit nakatalikod ay makikita mo ang kakisigan niya. Ang ganda ng mata niya kaya 'di ko maiwasang humanga. Nakatingin parin ako at nakatulala, "Ikaw ba ang nakatapon nito?" saad ng isang babae na naka staff uniform at mukhang nagtatrabaho siya sa dito sa Coffee shop na'to. "A-ah oo nabangga ko yung lalaki kanina, pasensiya na." saad ko at tumingin sa kaniya. Nakita ko namang nilinis niya ang natapong iyon at nakita ko ang nakalagay na pangalan sa kape na iyon. "Clyde." bulong ko sa sarili ko nung nakita ko iyon. "Ah yung gwapong 'yon? Oo clyde pangalan no'n bagay sa kaniya 'no? laging napunta iyon dito para bumili kape minsan dito rin siya natambay para magsulat saka halos araw araw ko siyang nakikita sa mall na parang may hinihintay." mahabang saad niya at napatango nalang ako, habang nililinis niya ang sahig. nakatingin parin sa direksiyon kung sa'n ko siya nakitang naglakad. Agad naman akong tumingin sa babaeng staff na nagma-map, "Pasensiya na ha." saad ko sa kaniya. "Ano kaba, trabaho ko'to." sambit niya at ngumiti. Ang ganda niya at ang bait pa, may mahaba siyang buhok at bagay sa kaniya ang pony tail. Maputi at mukhang bata pa, Minamap niya ang sahig at ako ay nagtungo sa upuan at kinuha ang menu para maghanap ng cake unti palang ang tao dito. Malaki ang lugar na'to parang Restaurant ang itsura. Ang mamahal ngalang nakakabutas ng bulsa, nakita ko sa menu ang kape na natapon ko kanina at nagkakahalaga ito ng 799 pesos, parehas ang nasa picture at ang natapon ko. Napanganga nalamang ako sa presyo, pang ilang araw ko na'tong budget kung tutuusin, ito na ang pinaka special na kape sa menu kaya mahal. Bigla agad akong nakonsensya tapos natapon ko lang ng ganon yung kape? Hindi ko man lang napalitan? naakakakonsensiya. Nakahanap na ako ng cake na nagkakahalaga ng 1300 pesos. Minsan lang ako bumisita kila ninang kaya magiging magastos muna ako. Nakalabas na ako at iniisip parin ang nangyare kanina. Siguro kaya siya umalis agad dahil ganito ang itsura ko? o baka akala niya ay wala akong pangbayad?. Wala na akong magagawa kung gano'n pero paano kung hindi naman siya gano'n kasama tulad ng iniisip ko? Sumakay na ako ng jeep dala dala ang cake na binili ko. Siksikan sa jeep kaya mainit at naghahalo na ang mga amoy ng sasakyan na agad kong ikinahilo. "P-para po." saad ko at bumaba na lalakarin ko nalang dahil 'di ko kaya ang amoy ng usok. Nakatira sila ninang sa village na private place at may guard sa pagpasok mo ng village dahil nga may kaya sila ay maganda ang tirahan nila. Nakarating na ako sa harap ng Village, bumati ako sa guard dahil kilala ko na ito at kilala niya narin ako. "Oh iha, tagal narin 'di tayo nagkita ah," saad ng guard. "Oo nga po." Nakangiti kong saad at nagsimula ng maglakad papamasok sa loob ng village. Bandang pang anim ang bahay nila ninang at ang ganda talaga dito, para kalang nasa probinsya dahil ang tahimik. Sa tuwing naglalakad ako dito ay ang payapa at ang ganda talaga sa ganitong lugar, malawak hindi tulad sa apartment ko na may nag aaway at maingay sa labas, rinig ang huni pa ng sasakyan. May bridge din dito at may maliit na fishpond kaya ang ganda mag jogging at maglakad lakad. Sa sobrang excited ko ay hindi ko maiwasang tumakbo. Nandito na ako sa harap ng bahay nila at huminga ng malalim nagulat ako ng may lumabas at nagbukas ng pinto at nakita ko si Lenard at agad naman kaming nagkatinginan. Umalis na siya ng tingin. "Ate andito na si Zeyra." saad nito at naglakad na palabas habang may hawak na cellphone. Ang itsura talaga ni Lenard at ang kisig din niya gumalaw 'di ko alam pano sila nagiging ganon kagandang tao. "Oh! andiyan na si Zeyra?" rinig kong sambit ni ninang . Nakakamiss boses ni ninang kaya agad naman akong pumasok sa pinto "Andito na po ako," saad ko at tinanggal na ang sapatos ko. Napansin ko namang mukhang may pupuntahan si Lenard at nakasuot ito ng pang bahay lang. Agad naman akong sinalubong ni ninang ng yakap "Zeyra anak!" Masayang saad niya at niyakap ako ng ng mahigpit. Malaki ang bahay nila kahit dalawa lang sila dito ay mayroon 'tong apat na kwarto. "Ninang," sambit ko at ngumiti, umalis na siya sa pagkakayakap, hinawakan ako sa pisngi "Zeyra namumutla kana ah, nakakakain ka pa ba ng maayos?" sambit nito na nagaalala. "Opo ninang, 'di ko po pinapabayaan sarili ko." saad ko. "Talaga ha, nagaalala Ninang mo sa'yo,". "Osiya, kakain na tayo marami akong niluto," masaya niyang saad n at kinuha ang hawak kong cake. Pumunta na kami sa kusina at ang dami nga, mukhang lolobo ako lalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD