-Three Years Later- Tumingin ako sa orasan at isang malakas na bumuntong hininga nang makitang uwian na pala. I look at my office at sa aking pangalan na nasa table. I am officially a psychologist at nagtattrabaho ako sa isang out patient center ng isang sikat na ospital. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na natutupad ko na ang pangarap ko. Lalo pa akong napangiti nang makita ko ang aking engagement ring at wedding ring na magkasama sa aking ring finger. Of course kasal na ako! We have been married for a year now. Hinintay niya talaga na mag-settle ako sa aking work bilang psychologist. Hinayaan niya muna ako na mag-enjoy first at sobrang tuwa ko dahil marami akong natutulungan patients sa kanilang amotional and mental turmoil. May mga firefighters na rin akong mga patients an

