Matiyaga akong naghintay kay Blayz ng gabing ‘yon. Ni wala akong ganang kumain dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot ko at alala para sa kanya. Ang daming pumasok sa isip ko ng mga oras na ‘yon. Paano pag tuluyan siyang nawala? Paano na ako? Pinagpapasalamat ko talaga at ligtas sila at sana walang malalang nangyari sa kanyang kaibigan na si Koahl. Nakausap ko na si Emberlyn at sumama siya sa ospital. Ayos naman daw siya pero may mild fracture siya sa kanyang binti kaya nilagyan ito ng cast. He was really stubborn at gustomg umuwi kaagad. Good luck na lang sa friend ko kung aalagaan niya ito. Hindi pa naman mahaba ang pasensya ng babaeng ‘yon. Bagsak akong umupo sa sofa at nilagay ko ang aking iniinom na tea sa center table. Ano nga kaya ang totoong nangyari sa kanila?

