[3]

2645 Words
Our conversation lasted for about three hours. Kung hindi lang nag-aya si Jillian na manood na kami ng movie ay hindi pa kami mahihinto. Puyat na puyat kami kaya kinaumagahan, tinanghali kami ng gising. Panay na ang bomba sa akin ng tawag ni Mama. Ang resulta? Nalowbat na ako bago pa kami makaalis sa bahay nina Anika. Pinapasunod nya ako sa ospital dahil nanganak ang ninang ko na kapitbahay namin. Nagmadali na kami ni Jillian na mag ayos para lang makauwi samantalang aalis din naman ngayong araw papuntang Baguio ang pamilya ni Anika. Habang nasa ospital, hindi mawala-wala sa isip ko si Casper. Masaya siyang kausap. Maraming kwento at napakadaldal. Pakiramdam ko tuloy, marami kaming mapapagkasunduang gawin. Gusto ko mang i-open ang Holla, hindi ko magawa. Paano ba naman kasi si Mama, maya't-maya ang hanap sa akin. Gustong-gusto ko na ngang umuwi para makapag charge. Naiwan ko kasi ang charger ko sa bahay kaya kahit gusto ko mang mag charge kina Anika kagabi, hindi ko nagawa. Hindi naman ako makahiram ng charger niya dahil iPhone user ang bruha. Si Jillian naman, ganoon din. Wala ding baon na charger. Gabi na kami nakauwi ni Mama galing sa ospital. Pagod ang pakiramdam ko at antok na antok. Puyat ako kagabi at ngayong araw naman ay hindi din ako nakabawi ng tulog. Deretso agad ako sa kwarto para makapag pahinga at maicharge ang aking cellphone. Finally! May message kaya siya? Sana naman ay meron. Kung hindi ay malulungkot ako sa aking pagsintang pururot. Sabi nya kasi kagabi ay mag-uusap daw uli kami ngayong araw ang kaso lowbat naman ako maghapon. Lumabas muna ako para makaligo at makapagpalit ng pantulog, bumaba sandali at kumain kasabay ni Mama. Bumalik rin agad ako sa kwarto para icheck ang cellphone ko. 17% palang, binuhay ko na ito. Hindi ako mapakali kakaisip na sana may message sa akin si Casper. Umaasa ako na sana makapag kwentuhan uli kami ngayong gabi. Nahiga ako habang hinihintay na maopen ang cellphone ko. Pumikit muna ako habang hinihintay na mag-load ang cellphone ko. Sandaling pagkaka pikit ng mga mata ko ay naglakbay na kaagad ang diwa ko sa sobrang antok at pagod. Mabilisan ang pagkilos ko kinaumagahan. Panay pa ang sermon sa akin ni Mama tungkol sa pagbangon ko ng late. I'm sorry, okay? Sobrang antok ko na ang plano kong 5 minutong pag idlip lang kaninang umaga ay naging isang oras pala mahigit. "Ayan! Paalarm alarm ka pa hindi ka rin naman pala babangon! Kakasimula palang halos ng pasukan eh. Paano pa pag tagal nyan?" mahabang litanya ni Mama. "Di ka na nga pumasok kahapon tapos ngayon naman mahuhuli ka pa talaga!" Alam ko naman na hindi ako aabot sa first class ko ngayong umaga kahit anong pilit. Maling mali talaga na pumikit uli pagkarinig mo ng alarm clock. Traffic pa! Ang dapat na 30 mins tuloy na byahe ko papuntang school ay inabot ng isang oras. Sa may gate ay kitang kita ko ang pinsan kong si Jillian na nakaabang na sa akin. Isa pa rin 'tong late comer eh. Totoo nga talagang birds of the same feather, flock together. Lima ang klase namin ngayong araw. Magkkaklase lang kaming tatlo kaya naman iisa lang ang mga subjects namin. Wala si Angel ngayon. Dumeretso na kaagad kami ni Jillian sa room namin at doon na naghintay. Iilan pa lang kaming nandito sa loob. Ngayon naman, masyado kaming maaga para sa sunod na subject. Lunchtime, kavideocall namin si Agelika gamit ang cellphone ni Jillian. Ngayong araw ang Birthday niya. Tinatanong niya kami kung ano ang gusto naming pasalubong para sa pag-uwi nila. Nag-request nalang kami ng strawberry jam at na dalhan niya kami ng isang lalaking mala Carrot Man sa kagwapohan. Tinutukoy ay iyong gwapong lalaking tubong Baguio o Benguet na nag-viral sa internet. Napangiwi nalang siya sa amin. Bukas pa ang balik nila dito sa Maynila. Buti pa ang babae, palaging nakakarating ng Baguio. Palibhasa taga doon ang pamilya ni Tita Agnes, ang Mama ni Angelika. Ini-open ko ang data ko pagkatapos naming makausap si Angel. Bumaha sa akin ang disappointment ng walang notification ang pumasok mula sa Holla. So... wala siyang message? Dahil sa pagka dismaya ay hindi ko na inopen pa ang app at maghapong hindi na gumamit ng data. Nawalan ako ng gana! Alas sais nang makauwi ako sa bahay. Wala si Mama. Malamang ay nasa trabaho pa. Madaling araw pa ang dating nya at solo lang ako dito sa bahay. Nang masiguro kong nakalock na ang mga bintana at ang pintuan, umakyat na ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Ngayon na wala akong magawa, naisipan kong i-open ang data ko para manood nalang ng random vids sa YouTube. Pero dahil sa kyuryosidad, binuksan ko pa rin ang Holla and to my surprise... may mga message pala sa akin si Casper. He flooded me. Panay ang scroll ko pataas nang bigla syang tumawag. Mabilis kong tinanggap ito. "Thank Heavens! You're finally online!" Napangiti ako sa sinabi nya at kinilig. Ang gwapo naman kasi ng lalaking 'to. Ang fresh ng itsura. "Why? Did you wait?" "Yeah. If it's not obvious enough I called you immediately right after I saw the green dot beside your name" ramdam ko ang pagiging sarcastic nya pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ohh! Someone's active! "I thought you're not going to use this app anymore." dagdag nya. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari kaya hindi ako nakapag reply pati ang part na nadismaya ako sa pag aakalang wala naman siyang text kaya di ko na binuksan pa ang app. Iyon pala, minsan talaga walang pinapadalang notification ang app na ito. O minsan naman late lang talaga dumadating. Nang gabing iyon, alas dose na kami natapos. Kwentuhan lang ng kung anu-ano. Sabay pa kaming kumain ng hapunan. Syempre nasa magkabilang screen pero ang saya na naramdaman ko habang magkausap kami, kakaiba. Hindi ako nainip kumain dahil may kasama naman ako. Ilang minuto nang sarado ang cellphone ko pero hindi pa rin ako makatulog. Kahit nakapikit na ang mga mata ko, napapangiti pa rin ako. Parang naka replay sa utak ko ang itsura nya kanina habang magka video call kami. Iyong mga reactions niya habang nagkukwento ako, 'yong ngiti niya kahit di nagegets ang mga jokes ko. Para akong nakalutang sa ere pero ang hirap matulog. Hating gabi na pero buhay na buhay pa rin ang dugo ko. Naisipan kong buksan muli ang holla para mag back read ng mga convo namin. Kinikilig pa rin ako sa sunod-sunod niyang mga messages kahapon at ngayong araw. "Good morning! How's your sleep?" "I had a very fun time talking to u last night. Let's talk again tomorrow " Patuloy ako sa pag- scroll pataas ng mga message nya hanggang sa ang natutuwa nyang mensahe ay napalitan na ng pagka inis. "Morning! I just woke up!" "Busy?" "Still no reply" ":( " "Wassup" "I already miss talking to u" "Hi" "Are u free now?" "u must be really busy huh?" "Where's my comedyante?" Naalala ko noong tinawag ko siyang Oppa komedyante noong isang gabi dahil pareho kaming trying hard magpatawa. "Babe, I miss you" Hala! Babe daw? Napangiti ako. Kung kasama ko siguro si Angel ngayon malamang pinaulanan na nya ako ng asar. At kung si Jillian naman sigurado sasabihan akong wag magpadala dahil nangbobola lang 'yan. Kung iba siguro ang kachat ko at tatawagin akong babe, malamang nireplyan ko na nang "I am not a pig. Stop calling me babe" pero dahil si Casper 'to ayos lang. Patay malisya nalang dahil alam kong wala lang 'yon sa kanya. Lalo na iba naman ang kulturang kinasanayan nya. Nakatulog akong iniisip ang gwapong pagmumukha ni Casper at ang isiping hanggang kailangan kaya kami magkakausap? *** Puyat na naman ako kinaumagahan pero maaga akong naghanda para pumasok. Ayaw kong mag almusal na naman ng sermon ni Mama lalo na pagod siya galing trabaho. Ayaw ko rin naman na maging dahilan ng pagkahuli ko sa klase ang pag-uusap namin ni Casper. Mamayang gabi, magtatawagan na naman kami. Excited na ako! Happy crush nga lang diba? Kaya dapat di siya maging abala saken. Nagpatuloy ang pag-tatawagan namin ni Casper sa Holla ng ilang linggo. July na ngayon. Nagbigayan na rin kami ng cellphone number. Wala siyang f*******: at Messenger kaya minsan sa w******p na kami nag-uusap o kaya naman sa i********:. Ang dating hindi ko halos nabubuksan na Ig ko ay nagsimula ng magkaroon ng buhay. Madalas tumatawag rin sya sa akin kapag breaktime ko. Kantyaw naman ang inaabot ko kay Angel lalo na pag tumatawag si Casper na kasama ko sila. Napapalaban kasi ako ng english kaya tatawa-tawa siya . Tahimik lang naman si Jillian at panay lang ang ngiti sa akin habang kinakantyawan ni Angelika. Ang dami ko nang naishare sa kanya at ganon din sya sa akin. Nalaman ko na laking Lolo at Lola pala siya. Ipinanganak siya sa California at doon siya tumira hanggang four years old. Hindi nagtagal ay naghiwalay ang parents niya. Nandoon siya noon sa kanyang Mommy na katokayo ko. Limang taon naman siya nang mamatay ito. Dahil doon, inuwi siya ng kanyang Daddy dito sa Pilipinas. Tumira daw siya sa Romblon, sa Lolo't Lola niya hanggang Grade 5. Tapos muli silang bumalik sa California hanggang sa padalaw dalaw nalang sila dito sa Pilipinas. Umuuwi sila tuwing May or June hanggang August dahil school break niya doon. Naikwento din niyang 'Pututoy' ang tawag sa kanya ng lolo nya at hanggang ngayon, binebaby sya ng mga ito. Ang best friend niya na nasa California ay nag suffer ng depression at humantong sa paglalaslas pero naka recover na daw ngayon. Sa linggo, uuwi sila muli ng Romblon para sa kanilang Family Reunion. Ilang araw nalang mula ngayon. "Busy ka na naman sa cellphone, Liz ah. Si Casper pa rin ba 'yan?" Nang-uusisang tanong ni Jillian. "Casper, the guy from Holla. Pogi naman kasi! Tinamaan ata si bespren!" Inakbayan ako ni Angel. "Ang gaan ng loob ko sa kanya" pag amin ko. "Naku ayan na! Mukhang mapapalitan na si Lem sa sistema ni Liza." "Blow out naman jan!" Kantyaw ni Angel. "Tumigil ka nga!" Saway kong natatawa. Ang tinutukoy nya ay ang kaklase naming transferee noong 3rd year Highschool na crush na crush ko at pinag panata ko pa noon sa simbahan na hindi ako mag-aasawa ng Pilipino kung hindi si Lemuel ang magiging endgame ko. Ang kabaliwan ko nga talaga noon! "Mukhang matutupad iyong sinabi mo noon" natatawang sabi ni Angel habang inaayos ang sintas ng sapatos nya. Kasalukuyan kaming naghahanda ngayon para sa subject naming Physical Education. "Di nga ata si Lem ang end game mo. Ayan na oh! Pinoy nga pero may halong banyaga naman. Pede na 'yan!" patuloy na pang aasar nya. "Tumigil ka nga, 'gel" saway ni Jillian. "Mahirap yan, Liz ah! Love online. Naku naku! Baka paiyakin ka nyan!" "Para crush lang e!" napangiwi ako sa sinabi ng pinsan ko. "Happy crush lang. Siyempre nasa ibang school na si Lemuel. Dapat may bago akong pinagkukunan ng bitamina para sa puso!" "Sira! Jan naman 'yan nagsisimula eh! Crush-crush lang pero mamamalayan mo nalang pinapaiyak ka na. Kasi mahal mo na pala! Foreigner pa naman! Naku, pinsan! Di mo pa nga nakikita ng personal eh!" Hindi naman namin napag-uusapan ni Casper ang tungkol sa meet up. Ngayong nabanggit ni Jillian parang bigla akong kinabahan. "Crush pa nga lang. Layo na ng narating nito. Nasa paiiyakin na agad! Pangit mo talaga kabonding minsan, Jillian!" Bumaling sa akin si Angel. "Liz, tawagan mo dali! Kausapin natin! Sabihin mo mag kita na kayo. Babantayan ka naman namin eh! Sa ibang table lang kami pupwesto." "Bantayan ka jan! Mamalayan nalang natin 'yan si Liza, nasa tv na. Maalin sa Soco o sa imbestigador" bumaling sa akin ang pinsan ko. "O sa Ipaglaban mo. Saan mo gusto mai-feature?" Napailing nalang ako. Nagtalo pa nga ang dalawa. 1 message received. "Should we meet up?" Kinabahan ako pagkabasa ng text ni Casper. Para bang alam niyang siya ang topic namin ngayon kaya nagpaparamdam siya. Muling nagvibrate ang cellphone ko. "I really want to meet you in person before we leave for Romblon" "I've been dying to ask you that for a while now" "I'm scared that we'll stay there until the end of the month and then we'll go back to California na." Abot-abot ang tahip ng dibdib ko habang binabasa ko ang sunod-sunod na pagdating ng mga texts niya. Pakiramdam ko, alam nya kung ano ang pinag-uusapan namin ngayon. "Its ok if you don't want to" "I'll understand but it's just a waste, u know, I'll surely regret this chance for the whole year" "Maybe i have to wait until next year to finally meet you in person" "Ay wow! sunod-sunod ang pagdating ng mga texts. Sana lahat may textmate" ngumisi sa akin si Angel. "Anong irereply ko?" Kinakabahan na tanong ko sa dalawa na hindi pa rin pala tapos sa pagde-debate. Pinabasa ko sa kanila ang mga texts ni Casper. "Hope Elizabeth, kinikilig ako sa inyo!" niyugyog ako ni Angelika. "Inggit ako! Waaah! bakit kasi si Drew wala dito eh" Tinutukoy niya ay ang lalaki na nakausap nya rin sa Holla. Nag-uusap pa rin silang dalawa hanggang ngayon. Hindi nga lang kasing dalas ng sa amin ni Casper. Sabi pa nga ni Angel, ang magka ibang timezones daw ay isang malaking hamon. "Ang galing! Pinag-uusapan lang natin eh! Kitain mo na! Sayang nga 'yan, Liz. Kung ako 'yan, aabsent pa talaga ako! Mukhang sincere naman!" Dagdag pa niya. "Natatakot ako eh!" Umiling siya. "Eto kasing si Jillian..." baling niya sa pinsan ko. "Naniwala ka namang mapupunta ka sa Imbestigador at Soco?" Hinila ni Angel si Jillian sa buhok. Siniringan naman siya ng pinsan ko. "Normal lang yan, Loka! Sige na! Pasundo ka dito sa school. Kung gusto mo, isama mo kami! Palibre tayong dinner! Baka chance mo nang magka love life" tumawa pa siya ng malakas. "Baliw!" ani Jillian bago siya bumaling sa akin. "Gusto mo ba?" tanong niya. "Kung gusto mong makipag meet up, Liz, ikaw naman ang masusunod. Sayang nga naman 'yong chance. Maghihintay na naman kayo ng panibagong taon 'pag pinalampas nyo 'to. Tas pano kung next year, wala na pala kayong communication?" "Hay ang gulo mo, Jill!" irap ni Angel. "Pero atleast nag motivate ka" Bumaling siya sa akin. "Kitain mo na, Liza!" Pangungumbinsi pa rin ni Angelika "Malay mo pala crush ka rin nyan. Halata naman eh. Ang effort mag text oh!" Sa maghapon na iyon, hindi ako nagreply kay Casper. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya. Hanggang gabi iniisip-isip ko 'yon. Hindi ako natatakot makipag kita sa kanya na baka mapahamak ako o ano. Malakas naman ang kutob kong harmless syang tao. Kaya lang... Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa salamin ng aking kwarto. Nakasuot ako ng asul na tshirt na may mukha ni Doraemon. Doble ang laki ng damit sa katawan ko. Suot ko rin ang pinaglumaang P.E. pants ko noong Highschool. Nakakaluskos ito hanggang sa tuhod ko dahil lampas sa akin ang haba. Ayaw na ayaw ni Mama na ganito ang 'sinusuot ko kahit nandito lang naman ako sa bahay kaya lang wala na rin syang nagawa pa ng sabihin kong dito ako mas komportable. Mas gusto ko ang ganito dahil malaya akong nakakagalaw. Kahit pa ipatong ko ang mga binti ko sa upuan o lamesa ay hindi ako masisilipan. Hindi naman ako haharap kay Casper na ganito ang itsura ko syempre kaya lang ay hindi ko maiwasang mag-isip. Magustuhan kaya niya ako pag nakita niya na ako sa personal? Ano kayang magiging tingin niya sa akin? Baka tumakbo iyon sa takot? O kaya naman ay di na ako muling kausapin pa pagkatapos naming magkita. Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa frustration! Bakit kasi mukha akong patatas eh? Naiiyak na muli kong sinilip ang cellphone ko. Makikipagkita ba ako o ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD