"Liza, I'm back in the Philippines. I miss you"
It was sent today. Pakiramdam ko namamanhid ako habang nakatitig sa message nya.
Nakabalik na sya. Posible kaya na siya iyong nakita ko sa National Bookstore kanina?
Dapat ba nilapitan ko iyong lalaki para kumpirmahin kung siya nga iyon kahit pa ang dami nyang kasama.
Apat na taon ko na siyang kilala. At nakakatawa dahil sa apat na taong iyon, apat na beses palang din kaming dalawa nagkikita ng personal.
Isang beses kada taon. Magdamag kami halos magkasama.
Napahiga ako sa kama habang hawak-hawak ang cellphone. Paulit ulit kong binabasa ang mensahe niya.
Masaya ako dahil nagparamdam na naman siya ulit. Ngunit di ko din maitatanggi na nagtatampo talaga ako sa kanya kahit na dapat nasasanay na ako.
Binalikan kong alalahanin kung paano nga ba dumating si John Kristoffer sa buhay ko.
***
June 27,2016.
Kasama ko ang pinsan kong si Jillian na dumayo sa bahay ng kaibigan naming si Angelika dahil plano namin na makitulog at surpresahin sya.
Magbibirthday kasi sya sa isang araw. Ang kaso hindi namin siya makakasama dahil uuwi silang mag anak sa Baguio para doon i-celebrate ang Birthday nya sa bahay ng lola niya doon kaya naman sinamantala naming dumalaw ngayon.
Naabutan namin siyang tuwang-tuwa sa kausap niya sa kanyang cellphone.
Nanlaki ang mga mata niya sapagkat hind niya alam na dadayo kami ni Jillian dito ngayong gabi. Hindi namin siya sinabihan kahit pa maghapon naman kaming magkakasama sa school. Magpupuyat kami ngayon kahit pa lunes na lunes dahil aabsent kami bukas ni Jillian. Iyon ang usapan.
"Surprise!"
Malakas na sigaw namin ni Jillian.
"Ay puhtik !?" nanlaki ang mga mata ni Angel habang gulat na gulat na nakatingin sa amin.
Ginulo-gulo namin sya at basta-basta nalang sumilip sa screen si Jillian.
"Uy! Foreignoy! Hellooo!" walang hiya hiyang sumingit si Jillian sa usapan. Hindi naman siya madalas ganito kagulo.
Sa aming tatlo nga ay siya pa ang pinaka mahinhin at tahimik. Siya ang bersyon ng dalagang Pilipina noon. Mahinhin at madalas kalmado kumilos. Samantalang si Angelika naman ang kasalungat niya. Bersyon ng dalagang Pilipina ngayon.
"Wag kang magulo, Jillian" saway ni Angel.
"Your friends?" tanong ng Foreigner na kausap niya.
"Ah, yes yes! Sorry Andrew. We'll talk again later, okay? My annoying friends are here!"
Kumaway pa si Angel sa screen kaya pati kami ni Jillian ay sumilip na rin sa screen niya at naki kaway din.
"Annoying, ha? Annoying?" gigil na tanong ko nang maputol ang tawag.
"Mga baliw! Anong ginagawa nyo ba dito sa lungga ko ha? Who gave you the right to just enter-enter?"
Natawa kami ni Jillian dahil sa pinagsasabi nya.
"Baliw ka din! Ikaw ah foreigner na hanap mo ngayon" tukso ni Jillian.
"Gustong maka angat sa laylayan ng lipunan!"
Natawa ako sa biro ng pinsan.
"Gurang, nandito po kami para i-celebrate natin ang birthday mo!" tukso ko naman sa kanya.
"Kaso mukhang busy ka"
"Maka gurang? Eh next-next month, ikaw naman ang magbi-birthday. Mas matanda pa nga satin 'to si Jillian eh. Para dalawang buwan lang ang tanda ko sa'yo." naka ngiwing sabi niya.
Panay ang asaran naming tatlo habang kinakain ang pizza, cake at kung anu anong chichirya na dala namin ni Jillian.
Kwentuhang walang sawa kahit na 'yong iba naming topic ay pabalik balik nalang. Parang bago lang nang bago sa pandinig namin.
"Sakit sa tiyan pag nasosobrahan sa busog. Parang mapupunit na ang tiyan ko" natatawang reklamo ni Angel.
Bumangon siya sa pagkakahiga at inabot ang cellphone niyang nasa may drawer katabi lang ng kama niya.
"Tara mag Holla nalang tayo! Habang nagpapa tunaw ng kinain." natatawang aya niya.
"Mall? Dito nalang tayo. Kwentuhan nalang!" Tinatamad na sabi ko.
"Nakakatamad. Busog na busog ako eh!"
Bigla-bigla akong binato ng unan ni Angel. Masama naman akong napatingin sa kanya.
"Bingi! Sabi ko Holla! Holla! Hindi mall. Layo nang pandinig mo, 'day!" Diniinan niya pa ang pagbigkas ng "Holla"
"Linis-linis din ng tainga minsan, 'day ah! Wag puro wattpad." pang-aasar pa niya.
Napa irap nalang ako sa hangin.
"Pakinig ko naman bola" natatawang sabat ni Jillian.
Natawa din ako sa kanya.
"Ano ba kasing holla?"
May ginawa sandali si Angel sa cellphone nya bago pumagitna sa amin ni Jillian. Pare-pareho kaming nakadapa sa kama habang nakataas ang mga paa.
Pumangalumbaba ako habang hinihintay namin na may mukhang lumitaw sa screen. Offline na iyong foreigner na kausap ni Angel kanina.
"Ken from Brazil" lumitaw lang sa screen ang kisame ng kung sino mang nasa kabilang linya.
"Bat puro kisame yan?"Reklamo ni Jillian.
"Ayaw ipakita ang mukha"
Maya maya pa nagpakita na sa screen ang mukha ni Ken na puro bigote. Mukhang nasa kwarenta anyos na mahigit iyong tao.
Bigla nalang ni-swipe pataas ni Angel ang cellphone nya.
"Bat nawala?" tanong ni Jillian .
"Panget" simpleng sagot naman nya.
"Ay ang ganda naman niya talaga!" pang-aasar ko.
Hindi naman nagtagal ay may isa pang lumitaw na pangalan. Kaya lang ay blurred image siya.
"Dark Tower from America" basa ni Jillian
"Kano! Kaso bat blurred?" tanong ko.
Pare pareho kaming tutok na tutok sa screen ng cellphone ni Angel nang sabay kaming napa irit ni Jillian. Malakas naman na tumawa sa amin si Angelika.
"Sabi na nga ba!" Malakas pa rin siyang tumatawa na para bang kinikiliti.
"Sabi ko na bastos 'yon"
"Tuwang-tuwa ka pa talaga?" Hinampas ko siya ng unan sa ulo na agad naman niyang naharang.
"May ganyan pala jan? Alam mo na tas di mo pa kinansel agad!" naiinis na sabi ni Jillian.
"Girls, where's the fun in that?" Sinamaan namin siya ng tingin ni Jillian. Saglit lang ay natawa na lang din tuloy ako kahit gulat pa.
Nakaiwas naman ako kaagad kaya hindi ko nakita ng klaro.
"Hindi naman maiiwasang may ganyan lalo na sa mga ganitong application. Kaya nga dapat alert ka. Ingat-ingat!" Hindi matapos tapos ang tawa niya habang nagpapaliwanag.
"Ayoko na nga! Mag movie marathon nalang tayo!" Tumayo si Jillian at lumapit sa bag niya. Hinalughog niya ito hanggang sa makuha niya ang isang minion design na flash drive.
"Mamaya na. Minsan lang eh! Dali na magbi-birthday naman ako diba?"
Nangonsensya pa ang bruha.
Wala namang nagawa si Jillian. Bumalik siya sa pwesto niya sa kama. Muli na namang naghanap ng ka-match si Angel.
"Pag may nagpakita pa uli ng rated spg jan ah! Makikita mo talaga. Sasamain ka sakin. Kahit pa magbi-birthday ka!" pananakot ni Jillian.
"Nawawala kainosentihan namin dahil sayo eh!"
"Ako medyo lang. Naka iwas ako agad ng tingin kaya di ko halos nakita."
"Ako kita ko talaga eh!"maktol ni Jillian.
Natawa kaming dalawa ni Angel.
Buti nalang naisip kong bastos 'yon kaya naka iwas agad ako ng tingin.
"Pag may ganoon ulit, isa-swipe ko na agad." nakatawa pa ring sabi ni Angel.
"Tyaka di na natin makaka encounter ulit ang Dark Tower na 'yon. Iba-ban iyon dito. Pramis!
Nireport user ko na din siya."
"Kaya pala Dark tower eh" ani Jillian.
"Buti nalang mabilis akong naka iwas ng tingin. Si Jillian, di agad nagets eh!"
Nagtawanan kami ni Angel. Late kasi masyado reaction ni Jillian. Nag-lag pa yata.
Nakailang try pa kami sa holla kakahanap ng matinong makakausap pero bigo kami.
"Andres from Philippines"
" 'yon oh! May pinoy"
Natutuwang sabi ni Jillian pero bago pa namin makausap iyong Andres ay isinwipe na ni Angel pataas ang screen. Nawala tuloy ang tawag.
"Wag pinoy!"
"Bakit naman?" rekamo ni Jillian.
Di sya pinansin ni Angel dahil isa pang tawag ang pumasok. Iyong Andrew na kausap niya kanina.
Nainis si Jillian kay Angel kaya naman naisipan niyang i-download nalang din ang app. Busy na silang pareho at nakita ko silang mukhang natutuwa sa mga kausap nila kaya naman naisipan ko na ring gumaya.
Mabilis ko lang nagawa ang account ko. Kinonnect ko lang ito sa f*******: since safe naman daw ang ganoon sabi ni Angel.
Ganon nalang din ang ginawa ko para kung sakali man, hindi ko na kailangan mamroblema kung makalimutan ko ang password ko. May pagka-uliyanin pa naman ako.
"Peter from France"
"Israel from England"
"Nate from Canada"
So far, matitino ang mga nakakausap ko hindi kagaya ni Jillian na ilang beses naka tiempo ng bastos. Nakakatawa pa ahh expression nya na akala ko ayaw na niya gamitin 'yong app pero panay pa rin naman ang hanap niya ng ka-match.
Sa bawat tawag na kumokonnect sa akin, nagpapakita palagi ang pangalang
"Casper from Manila, Philippines"
Isina-swipe ko agad bago pa sya makapag salita dahil una, wala siyang suot na damit. Baka mamaya, katulad siya ni Dark Tower of America: may ipakitang view na hindi kaaya- aya.
Pangalawa, may nginunguya kasi siya. Ewan ko kung bubble gum 'yon pero di ko gusto tingnan at pangatlo, gaya ni Angel , iniiwasan ko ang Pinoy.
Pakiramdam ko kasi nakakahiya pag nagka kitaan ang magkalahi sa ganitong application.
"Casper from Manila, Philippines"
"Pabalik balik itong Casper na 'to. Kanina pa!"
Iswinipe up ko muli pataas ang tawag nya.
"Michelle from Zambales, Philippines"
Tinanggap ko ang tawag nya at masiglang nag- Hi. Iniiwasan ko nga ang Pinoy pero babae naman 'to kaya ok lang siguro. Ngiting-ngiti pa ako sa screen ng i-swipe noong Michelle ang kanyang screen pataas. Kinancel nya ako.
Mukhang hindi lang kami ni Angel ang naiilang makipag usap sa kapwa pinoy sa ganitong application.
Muling lumitaw sa screen ko ang pangalang Casper.
Pang limang match na yata namin ito. Hindi ko agad nai-swipe kaya pumasok ang tawag. Hindi ko agad siya namukhaan dahil di gaya kanina, may suot na kasi siyang blue na damit at wala na siyang bubble gum o ano man na nginunguya.
Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Englishero at galit na galit.
Foreigner pala. Akala ko mukha lang mestizo pero Pinoy naman.
"It's you again! You keep on doing this to me ..." Umakto siya na may sina-swipe pataas.
"You keep cancelling the call. We haven't even started talking yet!" tuloy-tuloy na reklamo nito.
"Foreignoy!" tanging nasabi ko.
"What?" Galit na tanong niya pero ilang sandali lang ay bigla siyang tumawa.
"Ay sorry! Sorry!"
"Are you sorry because you keep on rejecting my calls?
We've matched for like several times already and you keep on swiping me up. You don't want to talk to me?"
Hindi ko alam. Nangingiti nalang ako kahit na naiinis siya sa akin.
Ang gwapo!
May kamukha siyang isang Filipino celebrity. Crush ko pa naman ang celebrity na 'yon.
"I thought you're a Pinoy"
"I am. I'm part Filipino,part American and Korean" bigla syang natawa. Mukhang hindi lang ako ang nalilito.
"I'm confused" nakangiwing sabi ko.
"You're mixed blooded?"
Napalingon sa akin ang dalawa kong kasama dahil sa sinabi ko.
Natawa kami parehas.
"Mixed blooded?" mahinang sabi ni Jillian.
Tumango ako.
"I guess i am" natatawang sabi ni Casper.
"Halo-halo daw sya" Sagot ko
kay Jillian habang natatawa.
"Halo-halo, a very famous dessert here in the Philippines. You know that?" natatawang baling ko kay Casper nang balingan ko siya Nagsisimulang pag-tripan ang kausap.
"Yup. Very delicious!" Sagot naman niya.
"So you tried it before? Did you like it?"
"Yes. Very masarap!"
"Im glad you like it. You know halo-halo also means mix-mix..." nag-isip ako ng maaring idugtong.
"Gel, tawag ko kay Angelika.
"Anong english ng lahi?"
Lito naman na humarap sa akin si Angelika na kasalukuyan pa ring kausap si Andrew.
"Ewan? Race? Wag mo 'kong gulohin!" reklamo niya bago bumaling sa cellphone.
Napangiwi ako.
"Basta halo-halo ka. Iyon na 'yon!" sagot ko kay Casper.
"Yeah, yeah i think i am. By the way you're funny"
" I am. I am!" Natutuwang gatong ko.
Natahimik siya at tumitig sa akin.
" And not to mention cute."
First time ata na may nagsabi sa akin ng cute.
Hindi ko alam kung niloloko lang ako nitong Casper na 'to pero uminit bigla ang pakiramdam ko.
In fairness, tumatalab pangbobola nya. Tagos sa screen. Palibhasa gwapong nilalang.
Hindi ko tuloy maintindihan bat kapag si Angel ang sinasabihan ng cute, hindi siya natutuwa. Ayos naman pala sa pakiramdam.
Nagkibit balikat ako. Baka ang nagsasabi sa kaniya, hindi kasing gwapo nitong kaharap ko.
"Are you blushing? I can see it from here"
bahagya siyang nakangiti habang lumalapit sa screen na para bang may sinisilip.
At ako naman, lumalayo sa screen habang nakakunot ang noo .
"Uhm, what are you doing? Not too close, Mister." hirit ko.
"Checking if I really made your face flushed"
"Luh! Wala ah!" Depensa ko.
"So, your name is Casper. Lakas maka multo ah!" natawa ako sa sariling biro .
Hindi sya sumagot. Nakangiti lang sya. Malamang hindi nya nakuha ang joke ko.
Napangiwi tuloy ako.
"You know Casper? The friendly Ghost?
If you lost your way think back on yesterday. Remember me this way...Remember me this way
You know that?" Tinula ko ang theme song ng movie pero nakangiti pa rin sya.
Di niya talaga siguro alam. Waley talaga ako mag joke minsan.
"Yes, I'll remember you this way"" natatawang sabi nya. Hindi ako nakapag salita kaagad.
Phew! Magaling bumanat ang isang 'to.
"Oh! you're also from Manila. Where in Manila?" tanong niya nang mapansin ang location ko.
"Taguig."
"What? I'm in Taguig too. Been here for nearly two months!"
"Really?"
Kinabahan ako. Kinukutuban na kung saan papunta ang usapan na ito.
"Yeah!" Sinabi nya sa akin ang pangalan ng hotel na tinutuluyan niya ngayon kasama ang Lolo at Lola nya. Tatlo lang daw sila doon. Ang mga kamag anak nila ay nasa Romblon naman.
"Mahal jan! Gaano kamahal jan?"
"Mahal what? Mahal... Me... What? You love me?"
Nalilito nyang tanong. Noong una nalilito pa ako kung ano ang sinasabi nya. Natawa ako ng malakas ng magets ko ang sinabi niya.
Ang cute ni Amboy!
"Oh! So now you're making fun of me!"
"No! No!" Kumaway-kaway pa ako bilang pag tanggi. Baka kasi ma-offend ko pa ang ka-lookalike ni Matteo Guidicelli.
"It's not like that!" Nahirapan akong mag hanap ng tamang salitang sasabihin sa kanya. Hirap nang 'di pala english!
Akala ko ay nainsulto ko siya or what pero bigla ko na namang narinig ang malakas niyang pagtawa.
"Calm down! I was just acting!" tumatawa pa ring utas niya.
"It's okay. No worries!"
"Liza, iyang kausap mo hindi naman halatang masayahin. Kompleto ata ang tulog." singit ni Angel bago lumabas ng kwarto nya.
"San punta noon?" Tanong ko kay Jillian na pinapapak na naman ng tira naming junk food kanina.
"Banyo daw. Dumudugo na ata ilong kaka english. Sana lahat matino ang nakaka usap 'no?" nang -aasar na sabi naman ni Jillian.
"So Liza, is that your real name? I thought it's Elizabeth?"
"That's just my nickname. You don't expect me to use my real name here."
"Makes sense. By the way, very pretty name. Suits you very well. Reminds me of someone very special to me."
Ow! Nagsisimula na siyang mag share. Delikado!
Diba sa ganito nagsisimula ang lahat tapos mauuwi sa pagdadamayan. Mahahanap comfort sa isa't-isa tas katagalan, sa hiwalayan din ang punta.
Natawa ako sa naisip.
Ang layo na kaagad ng nalakbay ng diwa ko.
"Jowa?"
"Oh! You mean girlfriend?
No, I'm talking about my mother."
"Ay anak!" tawa ko. "Hi son! "
"You're something, aren't you? Very funny!"
Napangiti nalang din ako. Lintik ng!
Magkakaroon na ata ako ng happy crush. Or so, that's what I thought.