"Ate Noreen! Ate Noreen!" taeag ko sa katulong ni Tita Mira. Hindi ko alam kung ba't sila nahimatay, kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. "A-Anong nangyari, Senyorito?" tanong ng katulong nang lumapit ito sa akin. "Hindi ko alam, Ate Noreen. May sinabi lang ako kay Tita pero Nahimatay naman agad sila," saad ko. Kumuha ng basa sang bimpo si Ate Noreen at idinampi-dampi iyon kay Tita Mira. At unti-unti itong nahimasmasan. "Okay lang ba kayo, Tita? May masakit ba sa inyo?" nag-aalalang saad ko. "Wala naman, Hijo kundi ay nabigla lang ako sa sinabi mo na guro ang iyong girlfriend sa Pilipinas. At ikaw naman ay isang estudyante. Bibihira ko kasing marinig ang tungkol diyan na babaeng guro at lalaking estudyante ang nagkagustuhan. Mostly ay lalaking guro at babaeng estudyante ang a

