"s**t!" sambit ko. "Sino kaya 'yong buntis na narinig ko," kausap ko pa sa aking sarili.Huminga ako nang malalim. Muli kong tinawagan si mama. Sinagot naman nila ito. "Tinatanong ko kayo, Mama, sino 'yong buntis?" tanong ko sa kanila. "Iyong katulong natin, Lindon dahil palihim pa lang nakipagkikita sa boyfriend niya. Kaya, bukas na bukas din ay sesesantihin ko na siya dahil ayaw ko nang buntis dito sa pamamahay ko at ayaw ko na may kargo ako rito! Nagpabuntis siya, kaya umalis siya sa pamamahay ko! " bulalas ni mama dahilan upang magsalubong ang kilay ko. "Sino ho'ng buntis sa kanila? May edad na ang mga katulong natin, Mama kaya paanong may mabubuntis sa kanila?" maawtoridad na saad ko. Hindi ko man nakasasama ang mga katulong namin ay kilala ko naman sila isa-isa at dalawa lang na

