"I told you, nakasasama sa 'yo ang pag-iyak, Love. Maligo ka na, at dadaan tayo sa restaurant para makapag-almusal na tayo. And after kong ibigay ang resignation letter ko, kay Ma'am principal, puntahan na natin ang bahay nina Mrs. Delgado, para matapos na ang lahat ng ito," pahayag niya sa akin. Tumango ako. Bumaba na ako sa kama at inihanda ko na ang susuotin ko. Lumabas na rin si Thomson for my privacy. Tinungo ko na ang banyo upang nang makaramdam na naman ako ng pagsusuka. Segundo lang naman ang itinagal niyon. At balik na naman sa normal ang pakiramdam ko. Naligo na ako. Pagkatapos ay lumabas na ako at isinuot ko na ang napili kong formal attire. Nagpahid ako nang kaunting makeup dahil gusto na lagi akong nakaayos. Gustong-gusto ang color pink na lipstick kaya iyon ang pi

