"A-Anong sinabi mo? Buntis ang babaeng malandi na 'yan? At sinong ama, ha! Sino!" sigaw ni Mrs. Delgado, dahilan upang mapalunok ako. "Bakit, gusto n'yo bang malaman, ha? Baka, mahimatay kayo kung sasabihin ko kung sino," maawtoridad na sambit ni Thomson. "Baka, ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niyan, kaya huwag mo nang sabihin kung sino, dahil hindi naman kami interesado! Alam naming malandi ang babaeng guro na 'yan dahil galing siya sa club, kaya hindi na talaga ako magtataka na habang nakipagrerelasyon siya sa anak ko ay may nangyayari sa inyo! " bulalas ni Mrs. Delgado dahilan upang magpanting ang mga tainga ko. "Gan'yan ang mga mayayamang tulad ninyo! Magaling manira ng tao. At nakita n'yo ba na may nangyayari sa amin ni Ma'am Dafne? Kayo siguro ang gumagawa niyon, kaya ang dali l

