Chapter 24
Six weeks. Yan ang sinabi ng OB na nagcheck sa akin. When I first saw the result of the pregnancy test kit that I bought over the counter and found out that I am pregnant, I am ecstatic and I am excited. Sino ang hindi? Magkakaanak na kami ng asawa ko, ng lalaking mahal ko at alam kong matutuwa siya sa sasabihin ko. I can’t wait to tell him.
But after what I’ve discovered 2 days ago, nawala ang excitement ko at napalitan ng kaba. Kaya naman nung nagpacheck up ako kanina sa OB hindi ko makuhang tuluyang maging masaya. My excitement was replaced by fear.
Ilang buwan na lang magtatapos na ako pero hindi ko alam kung makakapagtapos pa ako ngayong buntis ako. Ang totoo, hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong gulo ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ni hindi ko alam kung paano sasabihin sa parents ko ang sitwasyon.
Alam kong nagtataka na sila. Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto at lumalabas lang kapag kumakain pero so far wala pa silang sinasabi and I dread the day that they would ask me.
“Sorry.” Tiningnan ko ang babaeng nakabangga sa akin and she looked at me apologetically. Ngumiti ako ng tipid. Kung tutuusin, kasalanan ko rin naman kasi naglalakad akong wala sa sarili ko. Kanina pa ako tulala simula nung manggaling ako sa clinic ng OB. Pagkagaling sa bahay kanina dumiretso ako sa OB para ma check up ako at mabigyan ng reseta ng mga vitamins at para na din kahit papaano mabawasan ang morning sickness ko.
“Mandy!” Napatingin ako kay Missy at pilit na ngumiti ulit ako.
“Ano ba ang pinaggagawa mo at halos di na kita mahagilap?” Tanong niya agad sa akin.
“Anong nangyayari sa’yo? Bakit ka namumutla?” With what she said, nag init na naman ang sulok ng mga mata ko.
“Hala! Bakit ka naiiyak? May problema ka ba Mandy?” Nag aalalang tanong niya.
“Missy pwede mo ba akong samahan?” Kailangan kong mag vent out ng nararamdaman ko kasi pakiramdam ko mababaliw na ako. Pumunta kami sa parking lot kung saan naka park ang kotse ko kasi yun lang ang alam kong place dito sa school kung saan pwede akong umiyak ng umiyak.
“May problema ka ba Mandy?” Humarap siya sa akin.
“Missy, I’m pregnant.” Hindi siya nakapagsalita agad. Napanganga lang siya.
“Wha...Paano? Sino?” She shook her head trying to clear her head and after she recovered from her initial shock, she shrieked.
“Seryoso ka!?” Tumango ako and a bitter smile plastered on my face while fresh tears cascades down my cheeks.
“Oh my God! Oh my God!” Pinaypayan niya ang sarili niya.
“Paanong? Wala ka namang boyfriend. Teka, may boyfriend ka ba? Sino ang ama?” Sunod na sunod ang tanong niya and if we’re in a different situation baka pinagtatawanan ko na siya but there’s nothing funny considering my situation.
“I got married nung sembreak.” Mahina pa ding sabi ko pero lalong nanlaki ang mga mata niya.
“At hindi alam nila Mama Missy. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila.
“Teka lang ha. Mahihimatay ata ako sa dami ng revelation mo. Sabi mo nung sem break ka lang kinasal? Bakit buntis ka na kaagad?”
“May nangyayari na sa amin bago pa kami kinasal.”
“Ah okay, that explains it. Pero, since kasal ka na naman, eh di ipaalam niyo na lang kina Tito total pinanagutan ka naman pala ng father ng baby mo.”
“Nagkahiwalay kami 2 days ago Missy. Nalaman kong niloloko niya ako.”
“Oh my God again. This is too much. Too much information. Di kinakaya ng powers ko. Magkwento ka at simulan mo sa simula.” Kinuwento ko sa kanya ang nangyari pero hindi ko sinabi kung sino ang ama. I told her that I’ve met the guy in a bar and we’d had a one night stand at doon nagsimula ang lahat.
Matamang nakinig si Missy, she didn’t attempt to interrupt me at kahit papaano pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat, gumaan ang loob ko. For the first time, kinagabihan nung araw na yun simula nung nalaman ko ang panloloko ni Alexis, nakatulog ako ng mahimbing.
“Amanda—“ I heard someone call me. Mas lalo kong niyakap ang unan.
“Ano ka bang bata ka, malelate ka na sa school.” With that, I immediately opened my eyes kaya bigla akong nahiloat bago ko pa matingnan si Mama na nasa paanan ng kama ko, I felt the overwhelming urge to throw up.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo tutop ang mga bibig ko and dashed to my bathroom at doon nagsusuka.
Naramdaman ko ang paghagod ni Mama sa likod ko and I started throwing up again kahit na wala namang nilalabas ang tiyan ko kundi acid.
Mangiyak ngiyak na ako at naluluha nung makaramdam ako ng ginhawa. I immediately wash my face and dried it with a towel bago ako humarap kay Mama.
“Mag ayos ka na.” She said at agad na lumabas ng kwarto ko and I know right at that moment na alam na niya ang sitwasyon ko at wala na akong choice kundi ang sabihin sa kanila ang totoo.
Kinakabahan ako habang naliligo at nagbibihis. Gusto na atang tumalon ng puso ko. Mas kinabahan ako nung bumaba ako at nasa dining room sina Mama, Papa at si Kuya. Sa sobrang kaba ko nasusuka na naman ako. Gusto ko na lang ulit bumalik sa taas at magkulong sa kwarto ko.
Kahit nung nakaupo na ako wala pa ding nagsasalita. Halos hindi ko na malunok ang mga sinusubo ko. Napaigtad na lang ako nung padabog na tumayo si Papa.
“Len.” Tawag ni Mama kay Papa na tumayo din kaagad.
“Buntis ka ba Amanda?” Walang pasakalye na tanong ni Papa. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko kaya binaba ko ang baso na hawak ko dahil baka mabitiwan ko pa.
“Len huminahon ka.” Mahinang sabi ni Mama na parang maiiyak na.
“Papa...” Tumayo ako para humarap kay Papa pero hindi ko nagawang salubungin ang tingin niya. Napayuko ako kaagad.
“Magsalita ka!” Napaigtad ako sa lakas ng boses ni Papa at ngayon lang ako sobrang natakot sa kanya. I just wanted to run and hide.
“I’m sorry po.” My tears started to fall at nanginginig na pati ang boses ko.
“Buntis ka nga?” HInawakan niya ang mga balikat ko and he shook me.
“Opo Pa. I’m sorry po.” Humagulgol na ako at pakiramdam ko matutumba na lang ako bigla dahil sa sobrang takot. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Nag angat ako ng paningin para maghanap ng makakapitan and when I did I felt the sting of his palm.
“Len!” Tili ni Mama.
Sa sobrang lakas ng sampal niya sa akin, natumba ako and I tasted blood inside my mouth. Alam na alam ko kung paano magalit si Papa. Nung mga bata pa kami, ilang beses ba niya kaming pinalo ni Kuya kapag nagkakasala kami. Ilang beses niya kaming kinulong sa kwarto. Ilang beses ba akong nagtago sa loob ng closet para hindi lang niya ako masaktan habang pinipigilan siya ni Mama.
Ilang beses ba akong nakakatulog sa kaiiyak habang nasa loob ng madilim at mainit na closet hanggang sa makalma siya?Tumigil lang siya nung mag teenager na kami ni Kuya dahil sinabi ni Mama na hihiwalayan siya nito kapag sinaktan pa kami ulit.
“Walanghiya ka! Anong klaseng kahihiyan ang dinala mo sa pamamahay ko!?” I felt him pull my hair at napaiyak ako sa sakit kaya napatayo ako when he slap me again. Napasadsad ako sa sofa.
“Lenard tama na!” Naririnig ko ang sigaw ni Mama.
“Papatayin ko ang malanding to!” I heard the anger in his voice and for once I didn’t doubt his words. Alam kong makakaya niya kung gugustuhin niya. Makakaya niyang patayin ang sarili niyang anak.
“Ariel, pigilan mo ang ama mo!” My mother shouted at nakita kong pinagtulungan nina Kuya at Mama si Papa para hindi makalapit sa akin.
“Mandy tumakbo ka. lumabas ka na. Bilis.” Sabi ni Kuya habang pinipigilan si Papa na nagwawala. I looked at them one last time then I scrambled to my feet at kinuha ang knapsack ko na inilagay ko lang sa sofa and run towards our door. Hindi ako tumigil sa kakatakbo habang umiiyak palabas ng bahay namin hanggang sa makalayo ako.
I didn’t stopped running. Hindi ko alam kung ilang kanto na ang natakbo ko when I felt my knees gave in.Napaupo ako sa pavement ng kalsada and there,
I cried my heart out.