Chapter 25
Naupo lang ako sa pavement at nag iiyak ng hindi ko alam kung gaano katagal. Nung pakiramdam ko wala na akong maiiyak, tumayo ako at naglakad papuntang clubhouse.
Mabuti na lang at may CR ang clubhouse kaya naayos ko pa ang sarili ko. I combed my hair while looking at my tear stricken eyes. It looked so hallow just like my heart. It looked so lifeless and void of any emotion.
Naghilamos ako and I tried to put concealer on the bruise near my lips but it didn’t work and I know mas magiging visible pa ito mamaya.
Pagkatapos ko sa CR nilakad ko palabas ang village namin at doon ako sumakay papuntang school.
“Mandy, anong nangyari sa’yo bakit ka may pasa?” I automatically touched the side of my lips na ngayon ay kumikirot na.
“Wa-wala.” Umiwas ako ng tingin kay Missy at sa mga kasama niya. Kasama kasi niya sina Chelsea, Barbie at Lexie.
“Anong wala? Sinaktan ka ba ni Tito? Alam na nila?” Napatingin ako bigla sa kanya. Kunsabagay, alam na niya ang ugali ni Papa at hindi na ako makakapagsinungaling sa kanya. Pero ayaw kong sabihin sa kanya, ayaw kong magkwento lalo na at kasama niya ang kakambal ni Alexis.
Ngayon alam ko na ang pagkakaiba nila. Iba ang tindig ni Alexis kay Lexie. Iba ang klase ng pananalita, iba ang gestures at ang mga mannerisms.
“Missy may klase pa ako.” Sabi ko na lang para makaiwas. I can’t stand the presence of his twin. Naaalala ko lang ang lahat at mas lalo akong nasasaktan.
“Sige. Mag usap tayo mamaya. Itetext kita.” I just nodded at iniwan ko na sila pero ramdam na ramdam ko ang tingin nila sa akin.
Natapos ang mga klase ko ng hindi ko namamalayan. Now I am in dilemma, saan ako pupunta? Wala sa sariling lumabas ako ng school nung may biglang tumawag sa akin.
“Mandy.”
“Kuya.” Agad na nag init ang sulok ng mga mata ko. Lumapit agad si Kuya sa akin at niyakap ako.
“Okay ka lang ba?” Tumango ako at hinawakan niya ang gilid ng labi ko na may pasa.
“Wala ka pong pasok?” Nagtatrabaho kasi si Kuya sa isang Engineering firm.
“Nag undertime ako para mapuntahan ka dito.” Malungkot na sabi niya at kinuha ang backpack na dala dala niya tapos ibinigay sa akin.
“Mandy, pasensiya ka na. Pero napagdesisyunan namin ni Mama na mas mabuti sa’yo na wag na munang umuwi sa bahay. Baka kasi pag umuwi ka, baka ano pa ang magawa niya sa’yo. Andyan ang cellphone at ang ibang gamit mo.” Malungkot na sabi ni Kuya and my eyes started to tear up.
“Naiintindihan ko po Kuya.” Hindi ko makuhang magalit kahit na ang kinalabasan ay pinapalayas na ako sa bahay namin. Hindi ko magawa dahil alam kong kasalanan ko ang lahat.
“Sa ngayon, sa hotel ka muna, pagkatapos, maghahanap tayo ng apartment mo.” Masuyong sabi niya at lalo akong naiyak kasi despite the fact nang naging kasalanan ko, hindi nila ako pinapabayaan ni Mama.
“She will stay at my place.” Biglang kaming napalingon sa nagsalita. My heartbeat immediately doubled at the mere sound of his voice and I wanted to kick myself. Ilang araw ko bang hindi sinasagot ang tawag niya? Ang mga text niya? Ilang beses ko siyang iniwasan? Aaminin ko na namimiss ko siya. Kahit nagalit ako sa kanya hindi ko maiwasang maramdaman ang pangungulila sa kanya.
“Lexie.” Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Magkakilala na sila?
“Nagkausap kami nung sinundo ka niya bago kayo pumuntang Palawan.” Paliwanang ni Kuya dahil siguro nakitang nakakunot ang noo ko.
“Pwedeng tumira si Mandy sa inyo?”
“She should stay with me. She’s my wife after all.” Seryosong sabi niya. I wanted to protest. I wanted to shout at him.
“Ano?” Patingin tingin si Kuya sa aming dalawa. Napayuko na lang ako
“Nagpakasal kami sa Palawan.” Dagdag pa niya and I groaned inwardly.
“Pero di ba? Di ba bakla ka?” My brother blurted out.
“Hindi. “ Nakita ko ang kalituhan sa mukha ni Kuya and he shook his head.
“Wag na kayong mag alala tungkol sa kanya. Ako na ang bahala. She will stay at our house.” Walang kangiti ngiting sabi niya. Nakatingin lang siya kay Kuya and when he looked at me, I saw anger in his eyes. Siya pa ngayon ang nagagalit?
“Mandy totoo ba ang mga sinabi niya? Kasal na kayo?” Hindi ko magawang tiumingin kay Kuya kaya tumango na lang ako.
“Kung ganun, ano pa ba ang magagawa ko. Mas panatag nga ako na sa’yo siya titira kesa sa apartment na mag isa lang siya. Isa pa kilala ka na namin at asawa ka na pala niya. Pero kailangan pa din nating mag usap Lexie.”
“Alexis." He corrected. "Sige, bukas pwede ko ba kayong makausap?”
“Itatanong ko sa parents namin Alexis. Paano Mandy?” Sabi ni Kuya sabay tingin sa akin.
“Maghohotel na lang po ako Kuya.”Sabi ko kay Kuya nang hindi tinitingnan si Alexis.
“We have a little misunderstanding kailangan lang namin mag usap Ariel.” A little? Gusto kong tumawa. Tumawa ng malakas. Kaya pala siguro hindi na siya nag bother na sabihin sa akin kung sino siya kasi siguro para sa kanya maliit lang na bagay yun.
“Sige.” Just like that, iniwan ako ni Kuya sa kanya. Sa mismong taong ayaw kong makausap at makita.
Tiningnan ko si Kuya habang papasakay siya sa kotse na nakapark lang sa gilid ng daan. I didn’t make a move at nung tuluyan nang nakaalis si Kuya, naglakad na din ako papuntang sakayan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero siguro susundin ko na lang ang sinabi ni Kuya na maghohotel muna ako tsaka ako maghahanap ng apartment.
Pero hindi pa akong nakalimang hakbang nung may humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
“You’re coming with me.” Matigas na sabi niya. As if he have the right to use that tone on me. As if he have the right to demand.
“Hindi po ako sumasama sa mga taong hindi ko kilala.” I tried prying off my arm but he held it tighter.
“Mandy please.”
“Bitiwan mo ako.” Mahinahon pa ding sabi ko avoiding his gaze.
“Be reasonable Mandy. Pinalayas ka sa inyo, wala kang mapupuntahan. May bahay tayo. Why would you chose to stay in an unsecured place kung may bahay naman na naghihintay sa’yo. You can hate me all you want but please…ayaw kong tumira ka sa kung saan saan. Pagbigyan mo ako kahit ngayon lang. Please. I beg you. At isa pa, alam na ng kapatid mo na sa akin ka titira.” Napabuntunghininga ako kasi may magagawa pa ba ako? Kaya sumama na lang ako sa kanya papunta sa kotse niya. Siya na din ang nagdala ng bag ko na binigay ni Kuya kanina. Hindi na ako nagreklamo. Nakakapagod na makipagtalo. Pagod na ako.
Tahimik ako habang nagbabyahe. Tumitingin ako sa may bintana pero wala naman talaga akong nakikita. Ayaw ko na ding mag isip kasi nasasaktan lang ako at ayaw ko na ding umiyak. I am drained physically and emotionally.
“Anong nangyari sa labi mo?” He asked again. Kanina pa siya nagtatanong pero hindi ko siya sinasagot.
Tinanong niya kanina kung gutom ako pero hindi ako nagsalita.
“Sinaktan ka ba sa inyo?” Still hindi ako nagsalita.
“Amanda..kausapin mo naman ako!” he said in frustration. Biglang tumaas na din ang boses niya kaya tiningnan ko siya.
“Sumama na ako sa’yo. Ano pa ang gusto mo?” Mahina at malumanay kong sagot pero kahit ako ramdam na ramdam ko ang kalamigan at ang bitterness sa boses ko.
“Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Tell me Mandy, am I going to be a Dad? Are you bearing my child?” He gave me a hopeful glance. Mabuti na lang at red light.
Then suddenly I laughed. Not the laugh that I used to give. It was hallow, it was emotionless. Kung may tears of happiness, may laughter of sadness din pala. Laughter of bitterness. Nakakagago lang kasi.
“Nagpapatawa ka ba? You’re demanding honesty from me? Are you serious?” I laughed again pero ang totoo naiiyak na naman ako but I held back my tears.
“Mandy…”
“Ayoko nang marinig pa ang boses mo. It’s either you’ll stop talking or I’ll jump off this car. You choose. Coz seriously, at this very moment, I would be very thankful if my life will end. I just don’t have the guts to end it myself. But if provoked…”Bumuntong hininga ako bago dinagdagan ang sinabi ko.
“…I might as well do it.”