I swear

1515 Words
Chapter 21   “I’m dying.” I muttered to myself while lying on my bed. Pakiramdam ko talaga mamamatay na ako dahil sa sobrang pagkamiss kay Alexis. Ilang araw na ba ang nagdaan? 3 days? Pero sobrang miss ko na siya kahit na araw araw naman siyang tumatawag. Kahit na nagsaskype kami every night. Pero iba pa din kasi na magkasama kami, na magkatabi kami sa higaan, na nayayakap ko siya. Ito na ba ang tinatawag nilang obsession? Kaya naman kahit 10AM na, nakahiga pa din ako sa kama at nalulungkot. Mabuti na lang at wala akong pasok pag Wednesday. Kinuha ko ang phone ko and typed a message. ‘I miss you so much.’ Then I send it to his roaming number. Anong oras na ba ngayon sa Paris? I check on the world time in my phone. 3AM. Nanlumo ako lalo. I’m sure tulog na yun.  Dumapa ako sa kama at niyakap ang isa kong unan at pinanggigilan. Ganito pala kahirap ang long distance relationship. Nakakamatay ang pangungulila No wonder madaming nasisirang LDR. Pero hindi naman kami darating dun kasi babalik naman siya 4 days from now. Just then I felt my phone vibrate at nagulat ako nung makita ko kung sino ang caller. Nataranta ako bigla. Bigla kong nakalimutan kung paano ko sasagutin ang phone ko kaya naka ilang ring pa bago ko nasagot. “Tumawag ka! Oh my God! Tumawag ka!” I beamed at him while smiling like a lunatic. Malala na ako. Malala na talaga ako. “You said you missed me.” Napapikit ako pagkarinig ko ng boses niya. Mukhang kagigising lang niya. “Nagising ba kita?” Na guilty tuloy ako. Iniistorbo ko pa ang pagpapahinga niya. Pero mas nakakalamang ang tuwa ko kaysa sa guilt at hindi ko makuhang itago yun sa boses ko. “Hala. Sorry. Dapat di mo na lang pinansin. Tumawag ka pa talaga.” But I am not really sorry. “It’s okay Mandy. Anything for my wife. Besides, I miss you too.” Napaka swabe ng boses niya. Parang yung kapag bagong gising kami at niyayakap niya ako and he would whisper in my ears. Tapos bigla ko na lang naramdaman ang pag iinit ng mga sulok ng mga mata ko. Aww. Bakit ba ako naiiyak? Ganito ba talaga pag sobrang miss mo ang isang tao? And I sniffed. “Mandy are you okay?” Nag woworry na sabi niya. “Oo. Okay lang ako. Naiiyak lang ako kasi namiss lang talaga kita ng sobra.I can’t wait to hug you. Namimiss ko na ang amoy mo. I think I’m going crazy.” Mas lalo akong naiyak. Ano ba ang nangyayari sa akin? Sobrang emotional ko naman ata? “I miss you so much too. Tatapusin ko kaagad ang business ko dito and I’ll be back as soon as I can. Stop crying please.” Alo niya sa akin pero hindi ko talaga mapigilan. Grabe. Hindi naman ako iyakin. “Naiiyak ako eh. May magagawa ba ako?” Narinig ko siyang bumuntonghininga. “May pasok ka ba ngayon?” “Wala nga. Iniisip lang kita kaya nalulungkot ako.” I heard him chuckled from the other line.   “Okay para hindi ka na malungkot at may pagkakaabalahan ka. Ipapasundo kita sa driver. Bisitahin mo ang bahay. Tingnan mo kung magugustuhan mo o kung may gusto kang ipabago. Pwede mo ding tingnan  kung ano pang kulang na gamit and you could shop. Ipapadala ko ang extension card ko sa driver.”  The prospect of seeing his home got me excited and it somehow lift my spirit. “Seryoso ka talaga na kung di ko magugustuhan ang bahay mo, maghahanap ka ng bago? Ano ka ba! Kahit sa ilalim ng tulay mo ako patirahin papayag ako basta kasama ka.” “Papayag ba naman ako na sa ilalim ka ng tulay titira. And Mandy, it’s our house now.” “Oo na. Tama na at kinikilig na ako.” “Ano pala ang gusto mong pasalubong?” “Ikaw…and more.” I heard him laugh from the other line. “Aside from me and more, ano pa?” “Wala na. Ikaw lang. Ano pa ba ang hihilingin ko kung andyan ka na?” “I love you Mandy.” Madamdaming sabi niya at kahit sa phone lang kami nag uusap nararamdaman ko pa din ang sincerity niya. “I love you too. Whew!” At pinigil ko ang sarili kong maiyak na naman. What the! “What happened?” “Hindi ko alam pero naiiyak na naman ako. s**t!” Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.    “Malapit na akong bumalik. Don’t worry.” “I’ll try. Sige na matulog ka na. Naistorbo ko pa ang tulog mo.” “Okay. Mag ayos ka na, darating ang sundo mo in an hour. Ibibigay ko ang number mo sa driver para  I-text ka niya okay?” “Okay.” “Take care Mandy.” Napapabuntunghininga na lang ako. Siguro kung hindi siya ganito ka sweet, hindi ko siya mamimiss ng sobra. Sino ba ang mag aakala na ganito pala magmahal si Alexis? “Okay. Ikaw din. Wag na wag kang tumingin sa mga magaganda dyan kundi tutusukin ko ang mata mo.” Narinig ko siyang tumawa “Hindi po. Sige na. Tatawagan ko pa ang driver mo.” “Sige bye.” He didn’t say goodbye, he just turned off the phone. Katulad nung pumunta siyang Paris. Hindi din siya nag goodbye. He just kissed me thoroughly bago siya bumalik sa kotse niya at umalis na.   After an hour nga dumating ang driver nila at sinundo ako tapos pumunta kami sa bahay and again I was amazed. Bakit ba niya sinasabing di ko magugustuhan ang bahay? Kahit pa hindi kasinlaki ng mansion nila ang bahay, para sa isang tulad ko, malaki na ito. Ang laki pa ng lawn na mukhang may nagmemaintain. 2 storey ang bahay at may limang kwarto sa taas tapos may isang guestroom  sa baba, library at entertainment room. Hindi ko na inisa isa ang mga kwarto. Yung sa baba lang ang tiningnan ko at sa tingin ko naman wala na akong kailangang baguhin. Kumpleto naman na ang furniture. Kung ito ang magiging bahay namin, wala na akong pwedeng ireklamo. “Ma’am, pinapaabot po ni Sir.” Sabi ni Kuya Nestor. Siya ang driver na nagsundo at naghatid sa akin.  Napatingin ako sa set of keys tsaka sa card na iniabot niya sa akin. “Ito po ang susi ng bahay tapos yung card.” “Salamat po.” Kinuha ko ang susi at card tapos nagyaya na akong umuwi. Friday at mag isa lang ako sa cafeteria kasi break time at wala si Missy. Wala atang planong pumasok ang babaeng yun. Next week na lang daw siya papasok. “Aba himala, masaya ka ata ngayon Mandy. Ilang araw ka nang parang nalugi.” Napatingin ako kina Chelsea at Barbie na kararating lang at agad naman na tumabi sa akin. Napansin ata nila na matamlay ako these past few days. “Siyempre.” Kasi dalawang araw na lang darating na si Alexis.Pero hindi ko na yun sinabi kasi wala pa naman kaming usapan kung sasabihin na ba o hindi ang relasyon namin. Baka pagdating na lang niya. “Sama ka mamaya Mandy?” Nakangiting tumingin ako kay Chelsea na nagsalita.   “Saan naman?” “Kina Lexie. Doon na lang daw tayo kikitain ni Missy. Mga 5PM after class. Wala ka namang class na nun di ba?” Nangunot ang noo ko. “Anong gagawin natin doon? Di ba nasa Paris siya?” “Dumating na kaya siya from Paris 2 days ago. Siyempre, nag beauty rest muna ang lola mo. Alam mo naman yun, ayaw nang naiistress. Kunin daw natin ang mga pasalubong natin at ayaw niyang magbitbit.” Mahabang paliwanag nila pero wala na doon ang isip ko. Dumating na siya 2 days ago? Pero kakausap ko lang sa kanya kagabi 2 days ago, di ba nga pinapunta pa niya ako sa bahay?  At kung dumating man siya, bakit hindi niya sinabi sa akin? Mas nauna pang nalaman nina Barbie at Chelsea. “Two days ago pa siya nakauwi?” Tanong ko. Baka namali lang ako ng rinig. “Oo. Tumawag nga siya sa akin kanina at pinapapunta nga tayo.” Tuluyan nang nawala ang enthusiasm ko kanina.   I feel like I’ve been kick in the gut. Mas nauna pang nalaman ng iba kaysa sa akin at ang mas masama, mas inuna pa nya ang beauty rest niya kaysa makita ako. Tumayo ako bigla. “Mandy saan ka pupunta?” Gulat na sabi ni Chelsea at Barbie nung bigla akong tumayo. “Nakalimutan ko, may gagawin pala ako.” Sabi ko at nagmamadali akong maglakad papuntang parking. Makikita ng lalaking yun. He better have an explanation for this or else, he will feel the wrath of a woman scorned. I swear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD