I got teary eyed

1416 Words
Chapter 20   Katulad ng sinabi niya, umalis kami after breakfast. Sumakay kami sa yacht at nag island hopping, tapos nag scuba diving. Kaya naman, nung umuwi ako pagod na pagod ako at  naligo na lang ako tapos natulog na. Hindi ko na nakuhang magdinner dahil sa pagod. Ilang oras ba naman kasi kami sa dagat? Pero hindi naman ako nagutom kasi ang dami naming baon at saka may stock naman sa yate kaya kahit hindi na ako mag dinner okay lang. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatulog nung maramdaman kong may humiga sa tabi ko at agad na niyakap ako. “Paano ba yan? Kakakasal pa lang natin pero mabilis ka nang mapagod.” He said while nuzzling my neck. Antok na antok pa ako kaya yumakap na lang ako sa kanya para makatulog ako ulit. “Babawi ako bukas. Promise. Tsaka nakadami na tayo kanina sa yacht.” I murmured sleepily not really thinking what I was saying and I heard him chuckled before he hugged me tighter and his fingers played my hair before I drifted off to sleep. Ang bilis ng panahon kapag masaya ang isang tao kaya naman hindi namin namalayan na patapos na pala ang vacation s***h honeymoon namin. I just found myself packing my things kasi kinahapunan babalik na kaming Maynila. Kahit na ayaw ko pang umalis hindi pwedeng mag extend pa kami kasi the next day ay enrollment na. So we opt to stay in the villa and lay on the bed. Nalulungkot ako at alam ko kung bakit. Ayaw ko pang matapos ang bakasyon na to. Gusto ko pa siyang makasama. Kung pwede pa lang na dito kami tumira pero hindi pwede. Somehow, we need to return to face the real world. My only consolation is that I am married to him. Pero natatakot din ako kung ano ang magiging reaction nila Mama pag nalaman nila ang totoo. Kaya naman todo na ang kabang naramdaman ko pagkasakay namin sa plane pabalik ng Maynila. Naghihintay na lang kami ng valet na maghahatid ng kotse niya nung magring ang phone niya. “Yes?” narinig kong sagot niya. Naghikab ako kasi inaantok na naman ako at naninibago ako sa init sa Manila. Kakaiba talaga pag sa probinsiya. “When?” Napatingin ako bigla sa kanya kasi parang nag iba ang tone ng voice niya. “Can’t it wait?” “Okay.” At ibinaba na niya ang phone. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Hindi na din siya nakangiti. “May problema?” “Not really.” Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. “Bakit badmood ka ata.” “Mandy, okay lang ba sa’yo kung iiwan kita saglit?” Something clutched at my chest. Iiwan na niya ako? “Ano? Tatakasan mo ako ano? Pagkatapos ng lahat, hindi mo ako papanagutan. You’re running away from me?” I blurted out. Medyo tumaas na din ang boses ko kaya napatingin sa amin ang ibang tao na naghihintay din ng kanilang mga sasakyan. “Of course not. Why would I do that? Bakit pa kita pinakasalan kung may plano akong takasan ka?” “Malay ko ba!” Umismid ako. Akalain mo, kakakasal lang namin, iiwanan niya kaagad ako? “Mandy, hindi pwedeng hindi kita panagutan. You’re already wearing my ring. You’re already bearing my name. Paano mo nasasabi na hindi kita papanagutan? And I wouldn’t go through all those troubles para lang iwan ka. May aasikasuhin lang ako sa Paris. I need to settle some contracts tapos babalik kaagad ako.”  Tiningnan ko siya habang nakataas ang mga kilay ko and he chuckled before he pulled me closer to him. Dumating na ang kotse niya and he opened the door for me while the valet attendant put our things inside the car compartment. “Kelan ba ang alis mo?” I asked nung nasa byahe na kami. “Pagkahatid ko sa’yo, didiretso na ako sa airport.” “That soon? Iiwan mo na naman ang kotse sa airport?” Iniwan kasi namin ang kotse niya nung pumunta kaming Palawan. “No. Ipapakuha ko sa driver mamaya para may maghatid at sumundo sa'yo sa school.” Tumaas ang kilay ko. “At ano ang sasabihin nila Mama pag nalaman nila na may sarili akong driver at kotse na tagahatid at tagasundo sa akin? Isa pa, may kotse naman ako kahit na hindi kasing gara ng kotse mo.” Sumulyap siya sa akin at nakita ko ang disgusto sa itsura niya. “I am not comfortable with the idea that you are driving.” “And I am not comfortable with the idea that I have a driver. Alexis naman,magdududa sila Mama at Papa.” I heard him sighed.    ”Okay. Don’t worry I’ll be back. Pinakalate na ang one week and I promise pagkabalik na pagkabalik ko, kakausapin ko ang parents mo and I’ll personally ask for your hand in marriage.” Na touched ako sa sinabi niya. Ako na! Ako na ang pinagpala sa babaeng lahat. “Kahit na kasal na tayo?” “Kahit na kasal na tayo.” He declared. “I will miss you Mandy.” Hinawakan niya ang kamay ko na nasa lap ko at sumandal ako sa kanya.    “I will miss you too. Sulat ka ha!” I joked.   “Ayaw mo ng tawag o skype o kaya facetime?” “Para maiba. Sulat naman. O kaya telegraph.” I smiled pero ngayon pa lang nalulungkot na ako. Hindi naman ako ganito ka clingy pero namimiss ko na siya ngayon pa lang.   He laughed before he planted a kiss on my hair. “Take good care of yourself Mandy.” “Ikaw din. Wag kang tumalon from the top of the Eiffel Tower pag sobrang miss mo na ako ha?” I said trying to lighten up the mood. Bakit ba kasi ang bigat bigat ng dibdib ko. Para namang hindi na kami magkikita. Tumawa ulit siya at mas niyakap ako gamit ang isa niyang kamay while he’s driving. Pagdating namin sa tapat ng bahay, hindi agad ako bumaba. Hindi din naman niya kasi binubuksan ang pinto. Nakasandal pa din ako sa kanya at nakayakap pa din siya sa akin. “Why don’t you stay at our house para mas malapit sa school.” Biglang sabi niya.Napatingala naman ako sa kanya. “Anong mas malapit? Ang layo kaya ng mansion niyo. Di hamak naman na mas malapit ang bahay namin kaysa sa bahay niyo. Tsaka ang laki ng bahay niyo, baka mawala pa ako.” Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya kung doon ako titira sa kanila? Hindi pa naman alam ng lahat na kasal na kami. “Hindi yun ang ibig kong sabihin. I have another house na malapit sa school. Mas magiging comfortable ka at masusundo ka na at mahahatid ng driver at the same time, hindi magdududa ang parents mo.” I looked at him in disbelief. “Alexis mas lalo silang magdududa kasi lilipat ako ng bahay. Okay ka lang? Ano yun live-in tapos mag isa lang ako?” He is unbelievable. Bakit ba obsessed siya na ihatid sundo ako? Ang laki ko na kaya. “You will eventually live in that house kapag alam na ng parents mo ang tungkol sa atin.” “When you say our house, ibig mong sabihin, me and you  at hindi you and your parents and siblings.” “Initially it’s my house but since you’re my wife now then it is already our house. You can go check it out after you’ve enrolled kung magugustuhan mo.” Hala may sarili na agad kaming bahay? Siya na talaga! Siya na ang mayaman. “At kung hindi ko magustuhan.” I joked. Kahit saan siguro niya ako itira basta kasama ko siya papayag ako. “We’ll look for another place na magustuhan mo.” He said casually.   “Nagtatapon ka ng pera?” “Hindi. But I’ll give you anything that you want and everything that you need.” He said seriously and I felt the sincerity in his voice. Oo tanggap ko na mahal niya ako pero that instant, I understood the depth of his feelings towards me. I wasn’t able to stop myself. I got teary-eyed. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD