I like that

1471 Words
Chapter 19   I snuggled closer to him and I felt him hug me tighter. Napangiti ako at lalong pinulupot ang mga kamay ko sa katawan niya. Antok na antok pa  ako. Hindi ko alam kung anong oras kami natulog. Pagkatapos kasi ng kasal dumiretso kami sa isa sa mga casita sa beach kung saan ang reception. It was just a small wedding reception. In fact, isang malaking table lang kami with the judge and his family na napag alaman ko na kakilala ng family nila Alexis. Yung mga witnesses namin, pamilya ng judge na isinama dito sa Amanpulo para makapag bakasyon. Tinawagan pala sila ni Alexis para papuntahin dito.  Mga 12 midnight na natapos ang dinner at saka kami bumalik dito sa villa. Pero hindi ko talaga alam kung anong oras na kami natulog. Ayaw ko pa sanang magising kasi gusto ko na lang humiga sa tabi niya pero nakaramdam ako ng gutom kaya siguro ako nagising. “Alexis..” “Mandy hindi ko pa kaya. Give me an hour.Pagpahingahin mo naman ako please.” He mumbled. Napatawa ako sa sinabi niya. Seriously? Siya pa ang may ganang magsabi niyan? Sino kaya ang walang kapaguran sa amin kaninang madaling araw? Biglang may pumasok na kapilyahan sa isip ko. I wrapped the comforter around me and rolled on top of him. “Mandy...”He mumbled again but his arms wrapped around me gently para suportahan ako at hindi ako mahulog sa taas niya. “Walang pahi-pahinga. Kasalanan mo, pinakasalan mo ako kaya pangatawanan mo ang desisyon mo.” I said giggling while I’m on top of him. I saw him open one of his eyes to look at me. Then suddenly I found myself underneath him. “Saglit!” I shrieked. Teka, mapapasubo ata ako. “Walang saglit saglit. Ikaw tong may ganang manggising tapos sasaglit saglit ka dyan.” He said while nuzzling my neck. “I was just kidding. Gutom na ako!” I said half laughing, half shrieking. Kung hindi lang talaga ako gutom papatulan ko ang lalaking ito. Pero ang hapdi na talaga ng tyan ko. “Sus.” “Seryoso Alexis. Gutom na talaga ako.” And as confirmation, tumunog ang tyan ko. Nagkatinginan kami and I burst out laughing. “See?” “Pasalamat ka, gutom ka.” He said while he’s rolling off me. “Thank you.” I said giggling. Tumayo siya in all his naked glory. Napatingin ako sa kanya at napanganga. Nawala ang ngiti sa mga labi ko and I swallowed as I felt the heat creeping up my cheeks. The heck! Kailangang maglakad ng nakahubo?Tinakpan ko ang mukha ko ng comforter para pigilan ang sarili ko sa pagtili. My God! Why am I so lucky? “Mandy, I thought you’re hungry?” I peeked at him at medyo nanghinayang ako kasi nakasuot na siya ng robe and a loose white cotton pants underneath. Hawak na din niya ang silk robe ko at isa pang cotton robe. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ng dalawang robe. Mga mayayaman talaga ang daming arte sa katawan.Tumayo ako habang nakabalot ng comforter and took the robes from him then I realized na wala siyang binigay na underwear sa akin. “Bakit walang underwear?” Talaga naman na inexpect ko na siya ang kukuha ng undies ko. “Hindi ko alam kung saan nakalagay and besides you won’t be needing it. Maliligo ka naman pagkatapos ng breakfast.” I scowled at him. “I felt bare kung wala akong undies.” Sinuot ko ang binigay niyang robe sa akin at naglakad papuntang walk in closet. “I’ll just go and check on breakfast.” Paalam niya and I heard the opening and the closing of the door. Sinamantala ko na din ang pagkakataon at pumasok ako sa banyo at naghilamos tsaka nag toothbrush. Nilagyan ko na din ng clip ang buhok ko para d ako magmukhang bruha. Maya maya may katulong sa labas tapos magulat at magtatakbo pag nakita ako. Pagkalabas ko, nakikipag usap siya sa househelp na provided ng resort. Ganun pala dito kapag nakabili ka na ng villa may pinoprovide na househelp ang resort para maglinis ng villa kahit wala yung may ari. Pagkakita niya sa akin, he pulled a chair for me at hinintay akong maupo bago siya naupo sa tabi ko. “Sarap talaga dito. Pati food masarap.” I said while chewing on the scrambled eggs na hindi ko alam kung bakit kakaiba ang sarap. “Yes, yung chef mismo nila ang nagluluto ng mga menu dito.” “Paano mo nalaman ang tungkol sa lugar na to? Ang akala ko kasi, nung sinabi mong Palawan, akala ko, El Nido o ang ibang resorts. Di ko alam na may nag eexist palang Amanpulo.” “I came across one of the the Aman resorts in one of my travels tapos nalaman ko ang resort nila dito sa Philippines so I checked it out.” He said casually. “You checked it out tapos bumili ka na lang bigla. Ikaw na ang mayaman.” “What’s mine is yours now. Have you forgotten?” “How could I? I’m still sore.” I felt myself blush while he smiled. Napatingin tuloy ako bigla sa househelp na nasa di kalayuan. “Good. It means I’m doing my job well.” Lalo akong namula and I heard him chuckle. Tinutukso ba niya ako? I looked at him and indeed mischief is written all over his face. Pero papatalo ba naman ako?       “Yes. Too good. Which reminds me, sa tingin ko magkakatotoo ang naisip ko bago pa tayo pumunta dito.” Casual na sabi ko. “Naisip na ano?” “Naalala mo nung nasa kotse tayo, nung sinundo mo ako? Of course naalala mo kasi kahapon lang yun nangyari and you don’t want to kiss me? Naisip ko, kung ano ang gagawin natin dito at magkakatotoo ata.” I drink my juice kasi pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko dahil nag oovertime na naman ang imagination ko. “And what are those thoughts?” Binaba na niya ang fork niya at tumingin sa akin. Pinigil ko ang mapangiti. “Naisip kong we will be making love in the hammock, in the sand , on top of a huge  rock…” Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko.Nabilaukan siya habang umiinom ng tubig. “Okay ka lang?” “Really, Mandy you don’t have to share with me those kind of thoughts.Nagulat ako.” Pulang pula na ang pisngi niya.   “Nagulat lang?” “And more.” “Yan na naman ang more mo. Nadadali ako sa more na yan.” He smiled “More is better that telling me your…your suggestive thoughts. I didn’t know that you’re already molesting me in your mind.”  Aba! Matagal na.  Pero aamin ba ako? “Hindi ah! Naaamaze lang ako kasi ang galing kong manghula.”Napailing siya and a smile tugged at his lips. “Really? Did you also predict that we will be doing it in a yacht?” Tiningnan ko siya and I saw his playful smile. “Ay hindi. Hindi ko naisip na may yacht. Bakit meron ba?” “Yes. After breakfast mag island hopping tayo” Bigla akong na excite. Sino ang hindi? Mag scuba diving kami. Magaganda daw ang corals dito. “Talaga?” “Yes. After breakfast maligo ka na at aalis na tayo. Magbabaon na lang tayo ng food.” He declared.   “I’m so excited. Teka di  ba madaming rock formations sa mga islands dito?” “Yes. Why?” “Great! Rocks, here we come! I’m done.” I declared and I sprinted towards our bedroom pero narinig ko pang tumawa siya. Pero bago ako pumasok sa kwarto lumingon ako sa kanya. I saw his amused expression while looking at me. “Mr. Mondragon, aren’t you going to take a bath?” “I thought you’d never ask.” He stood up and wiped his mouth with a table napkin. Hinintay ko siyang makalapit sa akin. “Pa demure ka masyado.” I whispered at him sabay yakap sa bewang niya habang siya nakaakbay sa akin. “Ako, pa demure?” He raised his eyebrows at me “Opo. Pa  Virgin pa.” I said giggling. “Ganun?” He said before he suddenly scooped me up and I shrieked. “Anong ginagawa mo?” “I’ll be giving up my virginity.”  He said and he closed the bathroom door.Ngumiti ako sa kanya and I winked before I said. “I like that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD