Chapter 29 “Ma’am, kumain na daw po kayo.” Sabi ng katulong sa akin nung pagbuksan ko siya ng guestroom. “Salamat po pero sa school na lang po ako kakain.” Hindi na nagsalita pa ang katulong at umalis na. Ako naman kinuha ko ang bag ko at ang perang nilagay ni Kuya sa knapsack. After class, maghahanap na ako ng apartment na matitirhan. Hindi pwedeng dito ako titira sa bahay niya. Masyadong mabigat sa dibdib. Paglabas ko ng bahay, nasa harap ang kotse na nililinis ni Manong Nestor. “Good Morning po Ma’am. Aalis na po ba tayo?” “Good Morning din po. Maglalakad po ako Kuya.” Nagsimula na akong bumaba sa front porch at naglakad papuntang front gate. Pero hindi pa ako nakakarating sa front gate nung sinalubong na ako ng guard. “Ma’am hintayin niyo daw po si Sir.” Naikuyom ko ang ka

