Chapter 28 Alexis POV Alam kong nasasaktan siya at alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Kaya sinunod ko ang gusto niya at hinayaan ko siya at hindi na ako nagsalita pa kahit na gusto kong malaman kung buntis nga talaga siya. A part of me is ecstatic of the possibility that I might be a father soon but a part of me is also scared. Natatakot ako hindi dahil sa responsibilidad na maging isang ama kundi sa estado ng relasyon na meron kaming dalawa ngayon ni Amanda. Kahit na gusto kong malaman kung bakit may pasa siya hindi ako nagtanong. Kahit na pinilit niyang doon matulog sa guestroom hinayaan ko siya. Pinigil ko ang sarili ko dahil alam kong lalo lang siyang magagalit sa akin. “Sir, ayaw pong kumain ni Ma’am. Matutulog na daw po siya.” Napabuntonghininga ako sa si

