Simula
NOTE: This story will be free from start to finish. This might be different from other stories you've read because it's light and contains no explicit content. Expect gentle teenage romance and a slow-burn love story. If you like warm and slowburn story, you’ll probably enjoy this one. If not, FEEL FREE TO DROP. This is a slow update since 'Trapped In His Wrath' is my priority right now, but I will update as soon as I can.
Simula
I gritted my teeth as I hold my papers. Halos mapunit ko ‘yon habang nakatingin sa mababa kong score na nakuha sa pre cal. My breathe are sharp and deep.
“Sol, quiz lang ito. Huwag mong dibdib masyado.” Rinig kong sambit ni Juliet sa tabi ko.
Nilingon ko siya na masama ang loob.
“Bakit kasi ako nagkasakit ng mahigpit isang linggo, eh! Hindi tuloy ako nakapag-aral.”
Feeling ko late na ako sa mga lessons dahil nilagnat ako noong nakaraang linggo. Ang dami kong hindi naintindihan agad at nangapa talaga ng malala.
“May susunod pa na quiz. For sure, you'll get higher score next time.”
“But I can't lose another points! Kailangan mataas ang grades ko by the end of semester kung gusto kong makapasok sa gusto kong unibersidad sa college!” I hissed.
“Eh, kailangan mong mag-review talaga ng malala, lalo na't humihirap ang subject natin. Ang hirap ng pre cal, Sol! Ako nga 8 lang!”
“Next month, midterm na natin. If this continue, baka hindi ako pumasa!”
I might be over reacting right now. Hindi pa nga ako magaling at pinilit ko lang pumasok dahil may quiz. Wala akong aral, pero nakakuha pa ako ng maayos na score, pero hindi ito ang score na kinasanayan ko.
I always get the highest score in my batch. I always the number one. Sanay akong nangunguna sa lahat, academic man o mga activities sa school, hindi ako nagpapatol. So, seeing this score of mine literally crash my world.
I need a highest score in everything if I want to pass in my dream university. At kailangan ko rin ng mataas na grades kung gusto kong pumasok sa mga scholarship sa college.
“Edi, magpa-tuitor ka na lang para makahabol ka.” Juliet said, packing her notebooks now.
“Saan ako kukuha ng libreng tuitor? Eh, kakagaling lang din sa operasyon ni Tatay. Iyong padala ni ate, doon lang napunta sa gastusin sa bahay.”
I sighed. Saka hindi ko rin naman kailangan ng tuitor, kasi alam kong kaya ko namang mag-aral ng ako lang. But to think of it, kakagaling lang ni Tatay sa bypass heart surgery at nasa hospital pa.
Kaya nga siguro ako nagkasakit dahil ako minsan ang bantay niya sa hospital. Hindi rin ako nakakapag-aral dahil si Mama ay kailangan sa trabaho niya. Ako lang ang aasahan sa bahay.
“Si kuya Santiel magaling sa pre cal kung hindi mo natatanong…”
Kumunot ang noo ko sa kaibigan. She smirked at me.
“Uuwi siya at sa bahay lang sa mga susunod na buwan. Champion sila at sa bahay may celebration.”
“Irereto mo lang ako sa kuya mo, eh!”
Humalakhak siya. “Sol, hanggang ngayon ba naman naniniwala kang may gusto sa'yo si kuya Santiel?”
Parang gusto sumama ng loob ko sa sinabi niya.
“Gaga mo! Hindi ako naniniwala, ‘no?”
“Why you look hesitant?”
Napakurap ako, hindi alam ang sasabihin. Matagal nang tampunan noon na may gusto si Santiel sa akin, hindi ko lang pinapansin dahil wala akong balak sa gano'ng bagay. I ignore him knowing about it, because I don't want to hurt his feeling.
Kapatid siya ng kaibigan ko at ang panget naman kung tatanggihan ko siya, kaya umiwas na lang ako at inignora iyon. Hanggang sa umalis siya sa lugar namin dahil sa gusto niyang maging isang professional e-sport player.
“Hindi ‘no!” Mariin na tanggi ko.
Inayos ko na ang bag at sinuksok ang papel sa bulsa.
“To think of it, si kuya Santiel naman talaga ang nagtuturo sa'yo noon, ‘di ba? Lumayo ka lang dahil sa tampulan na gusto ka niya.”
“Nakakahiya sa kaniya ngayon. Busy ‘yon…” I croaked.
Santiel is truly smarter than me. Magaling siya sa calculus at ibang bagay, kaya nga hearttrob iyon sa amin. Lalo na ngayon na captain siya ng Nexus, iyon team niya.
“Wala namang gagawin ‘yon dito dahil tapos na ang laro nila.”
I pressed my lips together. Nakaka-akit ang alok na ‘yon ni Juliet. Mas magiging madali sa akin, dahil alam kong matalino rin naman talaga ang Kuya niya.
“Saka huwag ka nang maniwala na may gusto pa sa'yo ang kapatid ko. Nakita ko nga ‘yon kung minsan habang ka-video call si Mama na may kasamang babae, eh.”
Umikot agad ang mga mata ko sa narinig sa kaibigan. Napalunok ako at ziniper na ang bag ko.
“Ano?” Tanong niya at sinilip ako.
“Ewan!” Nairita ako bigla.
“Sol, ano ka ba! Huwag ka ngang awkward sa kuya ko! Sumama ka sa akin ngayon, may handaan sa bahay.”
Wala na akong nagawa sa gusto ni Juliet. Sumama ako sa bahay nila at nadatnan na maraming tao na roon. Maraming handa sa bahay nilang malaki.
Dahil sa propesyon ni Santiel, nakatulong siya para kahit papaano ay magawa ang bahay nila. Apat na palapag na iyon ngayon at mas gumanda. Nagkaroon ng gate. Talagang gumanda ang buhay nila dahil sa paghihirap ng unang anak na lalaki.
Mabait naman si Santiel. Alam ko college na siya ngayon, hindi ko lang alam kung nag-aaral pa ba siya dahil sa trabaho. Noon, halos lahat ng babae sa barangay namin ay may gusto sa kaniya, pero wala siyang pinapansin ni isa. Tahimik din siya at talagang responsibleng anak.
“Mama! Nandito na kami ni Juliet!” Juliet voice echoed inside their house.
Sa pagpasok pa lang namin, nakita ko na agad ang magulang niyang busy sa mga bisita.
“Kumain na kayo ni Sol.”
“Solana, magandang umaga!” Rinig kong bati ng mga lalaki roon.
Umirap ako agad at humigpit ang kabit sa string ng bag ko.
“Sungit talaga!” Rinig ko pa.
“Si Kuya?” Bumaling si Juliet sa Mama niyang may mga dalang pagkain para sa bisita.
“Nandoon sa sala, kumakain kasama ang mga kaibigan niya.”
Hinila na ako agad ni Juliet sa sala nila. Habang dumadaan kami sa mga tao, marami ang bumabati sa akin, pero hindi ko binigyang pansin.
Nakarating kami sa sala nila na may tao sa lamesa nila roon. May bote ng alak at mga pagkain doon.
“Kuya!” Juliet rushed to her brother.
Doon ako tumingin at nahanap agad ng mata ko si Santiel. Sa akin siya nakatingin nang yakapin siya ng kapatid niya. He smile politely before he hugged his sister back.
“Kumusta ka na?” Tanong niya sa kapatid at kay Juliet na tumingin.
“Okay lang. Anyway, congratulations! Sayang hindi ako nakapunta sa laro mo, may busy sa school, eh.”
Santiel just smile to his sister. “Okay lang.” He respond.
“Ano, kumusta ka? Ito na ba ang girlfriend mo? Naku! Talagang binata ka na, ah!”
Kahit na ayaw kong tumingin, ang mga mata ko'y nadako sa katabing babae ni Santiel. Umarko agad ang kilay ko nang makitang maputi siya at maganda ang katawan. May suot na make up at sobrang ganda.
I heard Santiel chuckle. Nakita ko siyang tumingin sa akin, pero umirap ako sa kaniya kahit na ayaw ko.
Ngumuso ako at pinagkrus ang mga bisig. I suddenly felt irritated when I saw that girl cling to Santiel's arms. Si Juliet naman ay parang wala ako rito dahil doon na ang atensyon niya.
Sa inis ko, umalis ako roon. Badtrip! At hindi ko alam bakit gano'n ang pakiramdam ko!