Victoria's POV Mabait ang mag-asawang may-ari nitong farm na nakilala kong sina Lolo Ernesto at Lola Carmen, pinatuloy nila ako sa bahay nilang kahit maliit, maaliwalas, maganda puno ng buhay. Inilahad ko sa kanila kung anong nangyari kung bakit pinaghahanap ako ng mga tao nina Apollo at Don Mathias. Sinabihan nila ako umuwi at makipag-ayos o ayusin ang problema sa relasyon namin dahil maling tinatakasan ang problema dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. Pero hindi rin naman nila naiintindihan... nasasakal ako, nasasaktan kaya anong gagawin ko? Automatiko na kapag nakakaramdam ako ng panganib walang pagdadalawang isip kong pino-protektahan ang sarili ko kahit iyang si Apollo pa. Kahit nasa ibang lugar ako hindi ako nangingimi sanay naman ako pumasok sa kahit anong trabaho h'wag lang

