Victoria's POV Tinahak ko ang gubat sakay ng kabayong ito na pinabagal ko ng kaunti dahil muka atang naligaw ko na sila. Hindi nila namataan saan ako lumusot sa parteng tabi ng kalsada papasok nitong gubat. Lakad takbo na lang ang ginagawa ng kabayo habang hawak ko ang tali nito at napatingala ako sa itaas ng langit na medyo natatabunan ng puno kita na ng pagdapit hapon. Iniisip ko saan ako tutuloy ngayong gabi? Hindi ako p'wede umuwi ng bahay ayoko. Lalo't pinaghahanap pa nila akong lahat. Masama pa rin ang loob ko sa nangyayari, sa inuugali ni Apollo kaya hindi ako uuwi, at dito lang ako maghahanap ako ng matataguan o pansamantalang matutuluyan. Mabuti nakasuot ako ng maong na pantalon at komportableng blusa kaya nakatakbo ako kanina dahil din sa low cut na sapatos kong suot. San

