Victoria's POV Samu't sari ang nararamdaman ko kinaumagahan dahilan kaya napaiyak ako nang sinubukan kong bumangon pero para akong nilumpo... Sarap na sarap ka pa kagabi, Victoria kahit nag-ala-acrobatic kayo tapos ngayon iiyak-iyak ka?! Pagalit ko sa sarili. Saktong bukas naman ng pinto pumasok ang seryosong si Apollo may hawak siyang tray ng pagkain at naabutan akong umiiyak kaya agad akong nagtakip ng kumot para hindi niya ako makita. Ang hapdi-hapdi, kumukirot pa. Talagang tinotoo niya at ipakita na galit siya sa akin at hindi niya man lang pinalagpas. Humakbang siya papalapit sa kama at inilagay ang food tray sa bed side table, nagpamulsa at pinagmasdan ako saka nagsalita. "Saan masakit?" tanong niya na may lambing at lumundo ang kama dahil naupo siya sa gilid at inalis niya ang

