Victoria's POV Mas naging maayos pa ang pagsasama namin ni Apollo at unti-unti ko pa siyang mas nakilala paglipas ng mga mga araw, linggo matapos nang hindi namin pagkakaintindihan noong nakaraan. Masaya ako, iyon ang nangingibabaw sa akin sa tuwing kasama ko ang binata at pareho rin namin binibisita si Nanay, at walang pagkakataon na hindi siya kasama. Unti-unti na rin natatanggap nina Nanay at ng kapatid ko ang relasyon namin at nakikita na rin nila ang pagkahulog ng loob ko kay Apollo at nakikita rin nila kung gaano ito kabuti sa akin, sa amin kaya mas napapanatag na rin sila. "Lolo wants to meet you," saad niya habang nagaagahan kami ng umagang iyon araw ng sabado. Mamayang ala una pa ang pasok niya sa office gusto niya na munang mag-half day. Nag-angat naman ako ng tingin sa kan

