Victoria's POV Papasok pa lang ako ng dinning room agad akong natigilan nang makita kung sinong nakaupo sa gilid ng sentrong lamesa sa bandang kaliwa... Ang ina ni Apollo. Nakangiti ito pagkakita sa akin pero mababakas ang pagkukubli roon kaya sinabayan naman ng tayo ng binata na nakaupo sa sentrong punong lamesa at naglakad para salubungin ako dahil alam niyang hindi ako tutuloy kung hindi siya sa akin lalapit. Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit ang bibig sa tainga ko. "She's just here to visit, I'm here so don't worry she can't bite you this time," he assured me and smiled. Samantalang ako, hindi makangiti kahit pabalat bunga man lang nang maalala ko ang unang beses kong naka-enkwentro ang ginang... Nagaalangan man, hinila na rin ako ni Apollo para lumapit sa lamesa, ipinaghil

