Victoria's POV Minsan na niya nabanggit sa akin na kaya hindi niya ipinaglaban ang mga babaeng nauna niyang nakilala ay dahil pera lang ang habol sa kanya, at nito lang din mas napag-alaman ko namang dahil din sa Nanay niya. Kung ako sa lugar niya mahihirapan din ako. Iyung gusto mo nang mag-settle pero hindi pa napapanahon noon... at kung hindi niya naman pinalagpas ang isa sa kanila hindi kami magkakakilalang dalawa... Kaya ang lahat talaga ng nangyayari may dahilan, marahil inadya talaga hindi niya makatuluyan ang isa sa kanila dahil may darating pa sa kanya... at wala nang iba kundi ako. "You'll regret this, son... you'll regret this, you chose the wrong girl," iyon na lang ang tanging sinabi ni Lucrecia saka ako sinamaan ng tingin waring nangaakusa na ako ang may kasalanan. Galit

