Victoria's POV Pinasok ko ito... kailangan tanggapin ko anumang maririnig ko. Hindi ba totoo naman? Pero totoo ngang masakit ang katotohanan lalo kung sabihin sa iyo ng harap-harapan. Huminga ako ng malalim at pigil ang hiningang h'wag pumatak ang luha at akmang aalis na ako ng living room nang biglang hawakan ni Apollo ang kamay ko kaya natigilan ako. Nakatalikod ako mula sa kanya habang nasa sahig ang tingin ko. Kuyom ko pa rin ang isa kong kamay na hindi niya hawak. "Don't mind my mother's wrath, ganiyan talaga siya—" "Ito ang ibig ko sabihin, Apollo..." Natigilan siya. "Kaya ayokong tumira dito kasama ka dahil ganoon ang magiging isip nila." "Who cares what they might think?" pagalit niyang tanong. "Do you think I care?" dagdag pa niya pero lalo lang nagpuyos ang kalooban ko. B

