Victoria's POV Maganda ang pagkakagawa ng extension closet umalis na rin agad ang mga gumawa hindi na nag-abalang mag-meryenda pa kaya hindi nagalaw ang inihanda ko at ipinakain ko na lang sa mga guards. Nag-prisinta pa silang sila nang maglilipat ng mga gamit ko pero sinabi kong h'wag na ako na at mga personal kong mga gamit iyon. May ala singko na ng hapon, wala akong ibang ginawa kundi tumambay sa kwarto, kusina at living room, paikot-ikot lang ako sa malaking bahay at ngayon nasa kusina ako kausap ang kapatid ko sa cellphone. "Miss na miss ko na si Nanay," nahahabag kong sinabi sa kapatid ko habang hinahalo ko ang niluluto kong calderetang baka para mamayang hapunan. "Eh ikaw kasi Ate ayaw mong bisitahin si Nanay rito hinahanap ka na at maraming gustong itanong sa iyo," may himig

