Tintin POV Out na sana ako pero pasimple akong bumalik sa silid ni Mutya. Yumuko ako at marahang binuksan ang pintuan ng silid nito upang matiyak kung walang empleyado ng hospital sa loob. Napatalon ako ng bigla na lang may pumisil sa puwitan ko. “Ay t**i ng kabayo!” gulat na sabi ko ng ubod ng lakas. Paglingon ko ay si Andrew ang nakita ko na malawak ang pagkakangiti. “Bastos ‘to!” inismidan ko siya at saka ako pumasok kwarto. “Bakit kasi para kang magnanakaw dyan?” anito na ngingiti-ngiting sumunod sa akin papasok. Mabilis kong nilapitan si Mutya na nakaupo sa kama nitop at kausap ang asawang si Drake. “Kumusta ka na Mutya, ayos ka lang?” nag-aalala kong tanong dahil sa pagdurugo niya. Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Ako ayos lang palagi, eh ikaw? Kumusta naman yung gurang m

