Tintin POV Pakiramdam ko pagkatapos ng reunion na yun ay mas lalo pa akong pinag-iinitan ng mahaderang ex ni Andrew. Parang lagi siyang nakaabang na magkamali ako para sitahin niya sa harap ng mga katrabaho namin. Pati trabaho ko parang dinadagdagan niya pero hindi ko hinahayaan ang sarili ko na mastress sa kanya. Siya lang naman kasi itong bitter at hindi ako. Ang mas mahalaga ay kami ni Andrew at masaya ako. Yun nga lang, dahil sa klase ng trabaho nito ay napaka busy nito palagi kaya ngayong araw lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magdate.., as in romantic date. Bago matapos ang aking shift ay gusto kong matapos na agad ang aking ginagawa dito sa nurse station para hindi ko na kailanganing mag-overtime. Mabilis kong inayos ang mga gamit at ni-review ang mga documents para sa mga d

