Tintin POV Kung dati-rati ay nauubos ang oras ko para magpaganda bago magtungo sa anumang event merun sa pamilya nina Mutya, ngayon naman ay nag pulbos lang ako at manipis na lipstick para lang wag maputla ang labi ko. Inilugay ko lang ang aking bagong gupit na buhok. Hindi na rin ako bumili ng bagong damit. Nag-suot lang ako ng simpleng dress na ginamit ko na dati. Dati kasi ay todo pustura pa ako para kay Andrew ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Basta siniguro ko lang na mukha akong presentable ngayon para sa birthday ni Mutya. Simpleng dinner lang naman ito kasama ang pamilya niya sa isang restaurant. Sa pagkakakilala ko sa mga biyenan ni Mutya, kahit sila-sila lang ay siguradong sa mamahaling restaurant nila ito ise-celebrate. Dahil sa traffic ay 5 minutes akong late. Nahihiya tulo

