Tintin POV "Excited ka na ba, next week ililipat na tayo sa OB-GYN ward." ani Lizel habang naglalakad kami patungo sa break room para magmeryenda. “Excited na nga ako eh, pero medyo kinakabahan din. Hindi ba mataas ang expectations sa ward na iyon?" tanong ko. “Oo lalo na't si Dra. Santos na daw ang bagong head sa ward. Balita ko pa naman marami daw yung mga achievements sa abroad. Tapos tayo.., mga bagong graduate lang na nurse." salaysay ni Liezel at kitang kita ang paghanga sa boses nito sa doktor na ikinukwento. “Siguro naman alam niya ang pakiramdam ng isang baguhan.” ani ko. "Tama, pero parang mahirap i-compare ang sarili natin sa kanya. Sa dami ng awards niya at achievements ay parang napakalayo niya sa level natin.” wika ni Liezel. Mukhang marami na itong nasagap na informatio

