Andrew POV “Alam kong hindi ka interesado kay Tintin but I’m just letting you know, mom set up a blind date for her, and she's here at the restaurant.” Napabalikwas ako sa kama ng marinig ang sinabi ni kuya Drake. Wala akong pasok ngayon at minabuti kong magpahinga ngayon dahil ilang araw na rin akong halos walang tulog dahil sa trabaho sa hospital at business meeting na kailangang daluhan. “Damn it!” Napapamura ako habang nagmamadaling magbihis. Talagang tinotoo ni mommy ang sinabi nito kay Tintin. Ito namang si Tintin talagang pumunta pa. Binalaan ko na siyang hindi siya pwedeng magpaligaw o makipagkita sa ibang lalaki. Inuubos nya talaga ang pasensya ko! Halos paliparin ko ang sasakyan para makarating agad sa address na sinabi ni kuya Drake. Kapag nakita kong nakikipag blind da

