Chapter 7

1058 Words
"Andyan na naman sila." Sabi sa akin ni Sab habang nag-aayos kaming dalawa ng bag. Hindi ko na nililingon ang mga tinuturo ni Sab dahil alam ko kung sino ang sinasabi niya. Napailing na lang ako, hindi ba sila nagsasawang tumambay dyan sa may labas ng classroom? Kinuha ko na ang baunan ko, nagdala kasi akong kanin at ulam na kasya na sa aming dalawa ni Sab. Pinabaunan kasi ako ni Nanay kaninang araw dahil nakapagluto siya. Natruwa naman si Sab dahil paborito niya ang luto ni Nanay. Hindi na siya nakakakain ng luto dahil minsan na lang siya mapunta sa bahay namin. "Hayaan mo sila."  Kinuha ko na ang bag ko at nag-aya na kay Sab na pumunta na kami ng canteen. Tumango naman siya at papalabas na kami ng classroom ng harangan kami ni Janus kasama ng mga kaibigan niyang mga lalaki. Si Janus ang isa sa ubod ng kulit na sumusunod sa akin kasama ng mga kaibigan niya. Nitong mga nakaraang araw ay akala ko tumigil na siya pero ito na naman ang mokong at mga kasama niya.. "Cahya, sabay na tayong maglunch." Sabi ni Janus sabay lapit sakin para kunin ang bag ko pero agad kong nailayo ang sarili sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ako nagsasalita. Mabuti na lang ay hindi kami magkakalse dahil Section B siya, sa pagkakaalam ko ay siya ang team captain ng basketball team namin. Mas matangkad siya sa akin, siguro nasa six feet din ang height niya, maputi siya at matangos ang ilong niya. Sinabi nga ni Sab sa akin na hearthrob daw dito sa school si Janus, marami daw ang mga babaeng nagkakandarapa rito kaso sa akin daw may gusto. Sabi pa ni Sab na malakas daw ang tama sa akin. "Sorry Janus, alam mo namang ayaw ni Cahya diba? Iba na lang ang ayain mo." Si Sab na ang nagsalita para sa akin. "Janus, pakipot talaga." Sabi ng isang kabarkada niya habang tumatawa, tumawa din ang iba pa niyang kasama habang si Janus ay sinamaan lang ng tingin ang nga ito. "Sige na, Cahya..." Nagsalita pa si Janus pero hindi ko na narinig dahil naglakad na ako palayo at agad naman ako sinundan ni Sab. "Basted ka na naman, Janus." Marami ding nakatingin ngayon na mga babae sa akin, pinupukol ako ng masamang tingin at iyong iba ay inggit. May narinig pa akong mga bulong bulungan, pero hindi naman talaga bulong kasi malakas iyong boses nila. "Tsk. Kawawang, Janus," pagbibigay simpatya ni Sab. Hindi na ako nagsalita at diretso na lang ang lakad ko. "Cahya antayin mo naman ako." Nagkukumahog na sabi ni Sab. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Grabe ka, nakakaawa lang naman kasi iyong tao. Tagal ng may gusto sayo no'n," si Sab. "Sinabi ko na din dati pa sa kanya na di ko s'ya gusto." Mahina kong sabi para di kami marinig ng mga tao sa paligid. Andito na kasi kami sa canteen ngayon na puno ng studyante. Nilapag ko ang dala kong pagkain sa mesa at ang bag ko sa upuan. Ganoon din ang ginawa ni Sab sa kaharap na upuan. "Yay, namiss ko luto ni Tita. Ako na bibili ng drinks natin." Pag-aalok ni Sab kaya tumango na ako. Mabilis na umalis si Sab para bumili ng inumin. Habang ako ay naghahanda na ng pagkain naming dalawa. Bigla akong napatingin sa kanan ko ng may naramdaman akong masama. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin kanina at parang may gagawin itong hindi maganda sa akin. Pero wala naman akong napansin ngayon, may mangilan-ngilan na nakatingin sa akin pero alam kung wala sa kanila iyong taong hinahanap ko. Paranoid ba ako? Napailing na lang ako, kung ano-ano naiisip ko ngayon. Muli ko na lang hinanda ang pagkain namin ni Sab sa mesa at naupo na ako. "Hay, daming tao don sa may cashier. Kahmpagod makipagsiksikan," pagrereklamo ni Sab sa akin. Nilapag niya na sa mesa ang drink niya na pineapple juice in can habang ang akin ay isang 1 liter na mineral water na sobrang lamig. Ito kasi talaga ang parati kong iniinom, isa akong adik sa malamig na tubig. "Salamat, Sab." Kinuha ko na ang bottled water sa kanya. Hindi ako mahilig sa soda pero dapat ang tubig na iniinom ko ay malamig talaga. Ang sarap lang kasi pag malamig, parati kasing mainit ang pakiramdam ko at parang nitong nakaraang araw lalong dry ang lalamunan ko kaya parating may baon akong tubig. "Ang sarap ng ginataang manok na luto ni Tita." Ngumunguyang sabi ni Sab na kinatawa ko. Grabe, ang bilis kasi niyang kumain, napatingin ako sa pangalawang buto ng leg part sa pinggan niya. Ang grabe kumain ng babaeng ito peor tingting iyong katawan. Sobrang slim langnitong si Sab. "Magdadala ako uli sa susunod." Magsasalita pa sana ako ng may mahagip ang mata ko. Biglang naningkit ang mga mata ko habang nakatingin ngayon sa dalawang taong naglalakad papasok ng canteen. Napahigpit ako ng hawak aa kutsara at tinidor ko ng makita kong ngumiti ng malawak si Mr Alterio sa kasama niyang si Ms Soledad. "Anong tinitignan mo?" Napatingin na din sa Sab sa direksyon na tinitignan ko. Ngiting-ngiti si Ms Soledad na siguro kaedaran lang ni Mr Alterio. Magadang babae din siya, nag-iisang dalaga na guro dito sa high school department. Aaminin kong maganda din si Ms Soledad, morena siya at may maipagmamalaki siya sa katawan kasi slim siya pero maganda ang hubog ng pangangatawan niya kahit hindi siya katangkaran. Kaya siguro ngiting-ngiti ngayon si Mr Alterio, ni minsan hindi ko pa siyang nakitang ganyan ngumiti sa ibang tao. Siguro napansin niya ang sobrang pagtitig ko sa gawi nila kaya biglang nagtaas ng tingin si Mr Alterio at nahuli akong nakatingin sa kanya. Mabilis ko namang inalis ang tingin ko at pinagtuunan ng pansin ang leg part na manok na nasa pinggan ko. "Hoy, murdered na masyado iyang chicken mo." Natatawang sita sa akin ni Sab. Hindi ko napansin ang pagtusok-tusok ko, iba kasi ang naiiisip kong tusukin. Muli akong tumingin sa dako nila Mr Alterio na ngayon ay umoorder at namimili ng pagkain. Bigla akong napatusok sa chicken sa pinggan ko ng makita kong malandi at malamyos na hinapas ni Ms Soledad ang balikat ni Mr Alterio. "Infareness, bagay sila," pagkomento ni Sab habang ako ay tahimik lang. Gusto kong samaan ng tingin si Sab ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Bagay sila? 'di naman. So sino bagay kay Mr Alterio, ako? Bigla na lang ako napailing sa naiisip ko. Tinusok ko muli ang ulam at diniretso sa bunganga ko dahil sa pangigigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD