PROLOGUE
"Hindi ako naniniwala sa propesiya na sinasabi nila, Hadeon." Mariing sabi ni Khaliya habang nakatingin sa malayo, nababahala siya sa mga narinig kanina. Hindi niya kasi naiwasang makinig sa pinag-usapan ng mga magulang niya bago siya magpunta rito, sa lawa ng liwayway.
Ang lawa ng liwayway ay isa sa pinakamaganda na tanawin dito sa mundong ilalim, napupuno ang paligid ng mga iba't-ibang naggagandang bulalak na namumukadkad araw-araw at makikita sa paligid ang mga nagliliparang paro-paro na iba't iba ang mga kulay. Ang rumaragasa na tubig sa lawa na umaabot hanggang hangganan na may napakalinaw na tubig at nakikita ang mga naglalanguyang isda sa ilalim na may iba't ibang kulay din. Kaya naman ay ito ang paboritong puntahan ng magkababatang si Hadeon at Khaliya kapag gusto nilang tumakas sa mga responsibilidad nila.
Kaya ngayon nandito silang pareho dahil inaya ni Khaliya ang kababata para masabi rito ang plano ng magulang niya at magulang nito para sa kanilang dalawa.
"Ako din, hindi ako naniniwala sa propesiya." Napalingon si Kaliya kay Hadeon ng marinig niya ang sagot nito.
"Alam mo ang tungkol sa propesiya?" nalilitong tanong ni Khaliya pero hindi siya pinansin ng kababata at pinagpatuloy lang ang pagtapon ng bato sa lawa.
"Hoy Hadeon! ikaw ba ay may nililihim sa akin?" Nakataas ang kalay niya ngayon habang tinatanong ang kababata.
Tinuturing na kasing pinakamalapit na kaibigan ni Khaliya si Hadeon kaya kahit na ito ang prinsepe ng kaharian at balang araw ay ang magiging hari ng mundong ilalim ay wala siyang pakialam. Lumaki kasi ang dalawa na parating magkasama kaya naging malapit sa isa't-isa at para kay Khaliya ay walang kaso kung isang prinsepe ang kababata dahil sa mga mata niya ay tunay niyang kaibigan si Hadeon kahit minsan hindi niya ito makausap ng maayos katulad ngayon.
"Alam ko, dati pa." Napatitig si Khaliya kay Hadeon, kitang-kita sa mukha ni Hadeon na nagsasabi ang kababata ng katotohan.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" halata sa boses ni Khaliya ang pagtatampo dahil ni minsan hindi siya nagtago ng impormasyon rito. Lahat ng sekreto niya ay sinasabi niya kay Hadeon.
"Dahil hindi ako naniniwala sa propesiya, at hindi nila ako mapipilit sa gusto nilang mangyari.," seryosong turan ni Hadeon habang nakatingin sa malayo. Napalunok si Khaliya habang nakatingin kay Hadeon, tumingala siya sa langit at napansin na ang magandang araw at malinaw na kalangitan ay napalitan ng dilim.
Alam na talaga ni Khaliya na sobrang makapangyarihan ni Hadeon, kahit noong mga bata pa sila ay nararamdaman na niya ang enerhiya ng kapangyarihan sa katawan ng kababata. Dati rati ay hindi niya gustong lumapit rito dahil pakiramdam niya ay sobrang dilim ng pagkatao nito, hanggang sa nakilala ni Khaliya ng puspusan si Hadeon kaya siguro'y nasanay na lang siya sa nararamdaman tuwing malapit rito.
Ngayong dise-otso na silang pareho ni Hadeon ay alam ni Khaliya na mas lalong lumakas ang kapangyarihan ng kababata. Kapag tumuntong na kasi sa tamang edad na dise-otso at marunong ng kumontrol ng kapangyarihan ay automatikong nabubuksan ang natatago pang kapangyarihan sa katawan. Lalo't prinsipe pa si Hadeon kaya hindi na mabibigla ang dalaga sa kaya nitong gawin. At hindi na siya mabibigla kung agad nitong papaalitan ang ama bilang hari kasi paniguradong magiging maganda ang balanse ng mundong ilalim sa pamamahala at pamumuno nito.
Galing si Khaliya sa angkan ng pinakamalakas na mage sa mundong ilalim na ngayon ay nagsisilbi rin sa kaharian. Mas sinasanay ang dalaga ng pamilya niya sa kapangyarihan niya, kung ano-ano ang mga tinuturo sa kanya mula sa mga sumpa hanggang sa mga natural na pagkontrol ng mga bagay. Ngayong nagdise-otso na din ang dalaga ay nagsisimula siyang managinip tungkol sa pangyayari sa hinaharap.
Muling napadako ang tingin ni Khaliya kay Hadeon dahil biglang kumulog ang kalangitan. Ngayon pa nga lang ay nakokontrol na agad ng binata ang panahon ng hindi naman talaga nito intensyong gawin pero dahil sa rumaragasang emosyon ay kusang lumalabas ang kapangyarihan nito. Dito kasi sa mundong ilalim, lahat ng bagay na nakikita ay hango lamang gamit ang kapangyarihan ng unang hari na galing sa pamilya ni Hadeon at sa tulong din ng isang mage na galing sa pamilya ni Khaliya. Hanggang ngayon ay ang hari lang ang may kakayahang panatiliin na maayos at balanse ang lahat sa mundo nila kundi babalik ang mundong ilalim sa panahong puro dilim ang paligid at walang makikitang magagandang tanawin.
"Huminanon ka, Hadeon." Tinapik ni Khaliya ang braso ni Hadeon at agad naman lumingon sa kanya ang kababata na para bang nagising sa pag-iisip.
"Wag kang mag-aalala, Klahiya. Hindi nila tayo mapipilit na mag-isang dibdib." Tumango si Klahiya at napangiti sa sinabi ni Hadeon. Naniniwala ang dalaga sa sinabi ng kababata dahil kahit kailan ay wala pa itong hindi tinutupad sa sinabi nito. Kilala niya ang binata, hindi ito basta-basta pumapayag sa gustong mangyari ng iba lalo na't tungkol iyon sa magiging takbo ng buhay nito.
"Pang-hahawakan ko iyan, Hadeon." Ginawaran ni Khaliya ng malawak na ngiti ang kaibigan.
Ngumiti lang din si Hadeon pabalik, hindi nito hahayaang may dumikta sa buhay nilang dalawa ni Khaliya dahil lang sa isang propesiya na pinapaniwalaan ng pamilya nila.
"HADEON PAKIUSAP, gawin mo na lang ito para sa akin at sa anak ko." Nagmamakaawang sambit ni Khaliya habang buhat-buhat sa may dibdib ang kakapanganak pa lang na babaeng sanggol. Nakaawang ang bibig ni Hadeon na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang kaibigan.
Nandito sila ngayon sa sariling mansyon ni Hadeon para walang makatunog na narito sa pamamahay ng prinsepe si Khaliya na tinatawag na ngayong 'traydor' ng mga kalahi nila.
"Hindi ito tama, Khaliya," Halata sa boses ni Hadeon na nahihirapan itong tulungan ang kaibigan sa gusto nitong mangyari.
"Hadeon, nakiki-usap ako. Ayokong madamay ang anak ko sa kasalanang ginawa ko at ni Juan. Wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo." Mahinang sambit ni Khaliya habang tumutulo ang luha habang nakatingin sa natutulog na anak.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Tanong ni Hadeon sabay buntong hininga. Hinawakan ni Hadeon ang bata para kargahin ng mapansin ng dalawa ang pagsilay ng ngiti sa labi nito.
Ngumiti si Khaliya kay Hadeon at bago inabot ang bata rito ay hinalikan muna nito ang noo ng bata sa huling pagkakataon.
"Mahal na mahal kita Cahya, kami ng Tatay mo." Kinuha ni Khaliya ang kamay ng anak ng biglang lumiwag ang pareho nilang kamay. Naglaho din agad ang liwanag at agad namang inabot ni Khaliya ang sanggol kay Hadeon.
"Khaliya, ang kapangyarihan mo." Bago pa magsalita si Hadeon ay pinigilan na siya ni Khaliya at naunang magsalita.
"Nakita ko ang hinaharap ng ilang beses, Hadeon. Ito ang nakatakdang mangyari sa amin ni Juan, tanggap na namin ni Juan ang lahat." Mapait na ngumiti si Khaliya kay Hadeon.
"Kung hahayaan mo lang akong tumulong sa iyo." Agad na umiling si Khaliya kay Hadeon.
Gustong tulungan ni Hadeon si Khaliya sa pinapasan nitong problema, kaya niyang ipagtanggol ang kaibigan sa mga gustong manakit rito lalo na ang sarili nitong pamilya.
"Salamat sa lahat, Hadeon. Salamat dahil papasayahin mo ang anak ko.." Ilang sandali pang tinitigan ni Khaliya ang anak bago maglaho at umalis para makabalik sa piling ng asawa nitong si Juan.
Naiwang mag-isa si Hadeon habang bitbit ang bata na ngayon ay gising na gising na at nakatitig sa kanya. Automatikong ngumiti ang sanggol habang nakatingin sa kanya, Halatang nakuha nito sa ina ang labi, ilong at ang hugis ng mukha nito. Ngunit ang mga mata nito ang tumingkad sa lahat dahil kulay berde iyon na bumagay sa maganda nitong mukha.
"Cahya." Mahinang sambit ni Hadeon habang iniisip kung anong susunod na gagawin.