Hindi ko alam kung saan ako pupunta, patuloy lang akong tumatakbo papasok sa mga kagubatan hindi ko alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan at ang malalakas na dagundong ng kidlat na para bang nakikisabay sa magulong nararamdaman ko ngayon. Lahat ng nahahawakan ko ngayon gamit ang aking mga kamay ay namamatay. Natatakot ako baka pag may nahawakan akong tao ay mamatay din sa akin. Dahil sa nangyayari ngayon ay malaki ang posibilidad na ako nga ang may kasalanan sa pagkawala ni Janus. Hindi ko ramdam ang lamig ng paligid, hindi ko nararamdaman na nababasa ng katawan ko dahil init ang nararamdaman ko sa katawan na para bang may dumadaloy sa buong katawan ko na hindi ko alam. Basang-basa ang ang damit ko, at sobrang gulo ng mahaba at kulot kong buhok. "Urgh," Sigaw ko habang nasa gitna ako

