Napalingon ako sa kalangitan, walang tigil ang buhos ng ulan mula kanina na lalong lumalakas. Sobrang lakas din ng kidlat na parang galit na galit. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit, papunta na ako ngayon sa teachers lounge, ang nag-iisang opisina ng lahat ng guro sa high school department. Noong una ay hindi ako sanay na may mga kasamang mga mortal dahil ngayon lang ang unang beses ko na nagtagal sa mundong ito. Sa mga unang araw ko pa lang ay kung ano ano ng pagkain ang binibigay nila sa akin at kung minsan pa ay hindi nila ako tinitigilang daldalin lalo na ang mga matatandang guro. Bumalik ang atensyon ko sa aking harapan ng makita kong tumatakbo si Sabrina, ang kabigan ni Cahya na puno ng pag-aalala ang mukha. Napakunot ang noo ko kaya agad ko siyang tinawag. "Sabrina, an

