Chapter 13

1051 Words
Napatingin ako sa labas at nakitang nag-iinuman si Tatay, Kuya Jayson at Mr Alterio, nasabi sa akin ni Nanay na pinilit lang daw ni Tatay ang guro ko na uminom, siguro magaan ang loob ni Tatay kay Mr Alterio dahil hindi siya nag-aaya basta basta lang kung hindi niya gusto iyong tao.  Napansin kung nagkakasayahan sila kaya hindi na ako lumapit at dumiretso na lang ako sa kusina para kumain, nauna na daw kasi sila kumain habang natutulog ako kanina.  "Nay, ano po ba ulam natin?" Tanong ko habang naglakad na papasok sa kusina.  "Tilapyang prito at ginisang kalabasa." Pasigaw na sagot ni Nanay habang naonood ng telebisyon at nagtutupi ng mga nilabhang damit.  Kumalam naman lalo ang tiyan ko ng marinig ko ang sagot ni Nanay, dali-dali akong kumuha ng plato at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko. Naghugas muna ako ng kamay dahil gusto kong magkamay, okay lang naman na magkamay ako dahil pritong isda naman ang ulam.  Naupo na ako at nagsimula na akong kumain, kalahati ng isda ang kinuha ko. Ang sarap lang kasi kainin iyong sa may buntot tapos may ginisa pang kalabasa na masarap din. Lahat naman ata ng luto ni Nanay ay masarap.  Nakakalahati ko na ang pagkain ko ng mapansin kong may nakatayo sa tabi ko. Tumingala ako at nakitang nakatingin sa akin si Mr. Alterio habang ngumunguya. Muntik ko ng mailabas sa bibig ko ang lahat ng kinain ko dahil nabulunan ako. Umubo-ubo ako habang mabilis naman na inabot sa akin ni Mr. Alterio ang isang baso na malalim na tubig.  "Uminom ka ng tubig," sambit niya at agad ko namang kinuha ang baso na may tubig sa kamay niya.  Agad kong nilunok ang tubig habang nakatingin kay Mr Alterio na naupo na sa katabi kong upuan. Suot-suot pa din nito ang pinanpasok kanina sa school, nakatupi sa bras nito ang medyo fit na black long sleeves polo nito. Pero kahit hindi pa siya nakakapagpalit ng damit ay ang fresh niya pa rin tignan na para bang kakaligo niya. Ni wala nga akong napansin sa pawis or oil sa mukha niya.  "Bakit naman po di kayo nagsasalita?" Nakanguso kong sabi sa kanya. Biglang di ako makasubo ng pagkain dahil nahiya na ako lalo na't nagkamay pa naman akong kumain.   "Kain po, Sir," pag-aaya ko sa kanya. "Natutuwa kasi akong tumitingin sa pagkain mo, napakagana mong kumain. At salamat pero kumain na kami kanina." Nakangisi niyang sabi sa akin na para bang niaasar niya ako.  Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko dahil sa sinabi niya.  "Masarap po kasi ang ulam tsaka masarap kumain pagnagkakamay," hindi ko na mapigilang sagot. Tumango lang siya sa akin habang nakatingin pa din. Wala na akong nagawa kundi ang pinagpatuloy ang pagkain, mabuti na lang ay malapit ko na maubos ang pagkain sa pinggan ko. "Hinay-hinay lang," turan niya.  Mabilis akong natapos sa pagkain kaya agad akong tumayo para hugasan ang pinagkainan ko habang nararamdaman ko ang tingin niya sa akin. "Thank you po pala uli sa pagtulong sa akin." Sambit ko ng matapos akong maghugas ng plato. Nakangiti na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.Muli akong nagsalita para itanong ang kanina ko pa gusto sabihin.  "Paano niyo po pala ako nakita kanina? Mag-isa lang po ba ako kanina sa daan?" Naging seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin lang siya sa akin na para bang may hinahanap siya sa mga mata ko. "Nakahandusay ka sa daan mag-isa. Bakit may kasama ka ba kanina?" tanong niya sa akin na seryoso pa din ang mukha niya.  "Wala, wala mag-isa lang ako," mabilis ko namang sagot kay Mr Alterio at inalis ko ang tingin ko sa kanya.  Huminga ako ng malalim, ibig sabihin pala ay hindi alam ni Mr. Alterio ang nangyari sa akin. Muli akong napatingin sa braso kong walang bahid ng sugat. Nanaginip lang ba ako ng gising kanina? Pero ramdam ko talaga ang hapdi at sakit kanina kahit maliit na sugat lang iyon. Naalala ko din sila Janus, kung nawalan ako ng malay ni wala man lang ginawa iyong mga lalaking iyon para tulungan ako. Napailing na lang ako.  "Anong iniisip mo?" Bigla akong napatingin kay Mr Alterio dahil sa tanong niya sa akin.  "Wala naman po."  "Don't think too much, magpahinga ka na. I have to go now," nakangiti niyang sambit sa akin. Tumayo na siya at nagpaalam sa akin.   "Ingat ka po sa daan," may bahid ng panghihinayang sa boses ko.   "Good night, Cahya." Turan niya sabay haplos sa buhok ko.  Tinalikuran na niya ako kaya lalo akong napanguso. Kailan ko siya makikita uli? Sa Monday na uli? Hay, ba yan.  Nakatayo ako sa may hamba ng pintuan ng kusina habang nakatingin sa kanya at kay Nanay, nagpapaalam na siya kay Nanay. Ngiting-ngiti naman si Nanay na nakikipag-usap kay Mr. Alterio, kung artista lang itong guro ko siguro kasama si Nanay sa fans niya.  Lumabas na si Mr. Alterio at lumapit naman siya kina Tatay at Kuya Jayson na nasa labas na nag iinuman pa din. Ako'y lumabas may pintuan para pakinggan ang pinag-uusapan nila.  "Uuwi ka na agad, Bro?" tanong ni Kuya kay Mr. Alterio. Napataas ang kilay ko, close na agad sila ng ganoon ka bilis?  "Feeling naman ni Kuya," bulong ko. Buti pa si kuya at si Nanay first basis na ang tawagan sa teacher ko samantalang ako hanggang Sir at Mr Alterio lang ang kaya kong itawag sa kanya.  "Oo kasi, luluwas pa ako bukas sa Maynila. May kailangan lang gawin." Pagrarason naman ni Mr. Alterio habang tumatango lang si Tatay.  "Naku, gano'n ba. O siya, alis ka na para makapagpahinga ka pa sa inyo. Nasa kabilang bayan pa pala ang bahay mo," sabi ni Itay habang tumutungga ng alak sa baso niya.  "Maraming salamat po uli." Magalang naman na sbai ni Mr Alterio.  "Naku, dapat kami ang nagpapasalamat sa iyo dahil nakailang beses mo ng niligtas ang anak namin. Maraming salamat uli, Exequel." Pagpapasalamat naman ni Itay.  Si Kuya na ang naghatid kay Mr Alterio sa labas, pero bago pa umalis si Mr Alterio ay napansin kong may pinag-usapan pa silang dalawa na para bang importante dahil sa ekspresyon ng mukha nila.  Napalingon sa dako ko si Mr Alterio kaya agad ako tumalikod at pumasok na sa loob. Agad akong bumalik sa kwarto ko at naupo sa kama.  "Dapat pala inimbita ko siya sa kaarawan ko." Sambit ko habang nagpagulong gulong sa higaan. Nagsisi ako dahil ni hindi ko man siya kinausap ng maayos. Babawi na lang ako sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD