Detalyadong inayos ni Sab ang mahaba kong buhok, pinusod niya ang lahat ng buhok ko sa itaas gamit ang mga hairpin para daw kumapit. Halos trenta minutos pinag-aksayahan ng oras ni Sab ang buhok ko lang. Sinabihan ko na siya kanina na kahit wag ng iipit ang buhok ko, kahit nakalugay na lang ay ayos lang sa akin peor pinagalitan niya lang ako. Pinagsabihan niya pa ako na manahimik na lang raw ako at mag-antay na lang daw ako sa gagawin niyang pagpapaganda sa akin, May iniwan na ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa gilid ng mukha ko para daw mapatingkad ang mukha ko. "Wag masyadong makapal na kolorete, Sab." Paalala ko sa kanya. Kahit noon pa man ay hindi na talaga ako mahilig sa make up kaya pinapasigurado ko kay Sab ngayon na wag makapal ang ilagay niya sa mukha ko. "Opo, aking kamaha

