Sa huli ay wala akong nagawa dahil nandito na kami sa kainan na nasuggest ng babaeng nagngangalang Carolyn. Inaamin kong maganda ang lugar at maganda ang spot na kinakatayuan ng business na ito dahil nasa gitna ng komersyo sa bayan. Dahil dito ay madaming mga estudyante ang dumayo at pumupunta rito. Katulad ngayon, madmaing tao pero buti na lang hindi punuan kaya agad kaming nakapasok dito sa loob. "Nakapapili ka na ba ng gusto mong kainin?" tanong ni Hadeon sa akin. Binaba niya ang menu board sa mesa, siguro nakapili na siya ng pagkain samantalang ako ay hindi makapili ng maayos dahil medyo mapresyo ang mga pagkain dito. "Wala akong mapili," binaba ko ang tingin ko pabalik sa menu. Pansin naman klase ng lugar na ito, halatang may mga may pera at may kaya ang kumakain ang parating

