Napahawak ako sa piyesa ng piano, nandito ako ngayon sa kabilang kwarto malapit lang sa opisina ko kung saan pwede akong tumutog ng piano. Sinigurado ko ding baguhin ang itsura ko, ang Hadeon na diseotso anyos ang anyo, hindi pwedeng makita niya ang totoo kong anyo. Mas mabuting dito ako makita ni Cahya kesa sa opisina ko na tambak ng mga dokyumento. Alam kong iisipin niya lang na nasa imahinasyon niya lang ang lahat ng nangyayari ngayon. Napaalis ko na din ang mga guwardiya na nagbabantay sa labas ng opisina ko sa mga nag-iikot sa loob ng palasyo para masiguradong hindi siya mahanap. Napangiti ako at nagsimulang tumugtog ng piano, alam kung ilang minuto na lang ay mahahanap na niya ako. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Sa ilang beses na niligtas ko siya at ilang beses na pagpunta n

