Umalis si Marga gamit ang pinakapaboritong sasakyan nito.Ang kotseng iniregalo ng ina niya noong naging ganap na siyang dalaga.Samantala tahimik naman na tumutulong si Andrew kay Dannus sa pagtatali kay Kasuko. "Sige lang Dannus.Magsaya kana dahil oras na mailigtas ako ni Geneva dito,ibabalik ko din lahat ng ginawa mo sa akin.Sisiguradohin ko na hindi kana niya hahayaan pang mabuhay."Nakangising saad ni Kasuko. "Pwedi ba Kasuko manahimik kana.Kung may kakatakotan man ako si Marga iyon hindi ang anak mo." Napaawang ang labi ni Kasuko ng marinig ang sinabi ni Dannus.Dalawa lang sila ang nakakaalam sa tunay nilang relasiyon ni Geneva. "Nagulat ka noh?Iyan ang dahilan bakit ako sumama dito sa pilipinas.Nalaman ni Master ang tunay niyong pakay sa anak niya kaya pinasama niya ako dito.Kaya

